• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Non-Japanese athletes, ‘di muna sasali sa Olympic test event – organizers

NAGDESISYON ang mga organizers ng 2020 Tokyo Olympics na huwag munang palahukin sa isa sa mga nalalapit nang test event ang mga atletang hindi Hapon dahil pa rin sa isyu ng coronavirus disease (COVID-19).

 

Magbubukas na kasi sa Pebrero 28 ang dalawang araw na test event sa Ariake Arena kung saan tampok ang Paralympic sport na boccia na isang uri ng precision ball sport.

 

Ito ang una sa 19 pang mga test events bago ang pagsisimula ng Olympics sa Hulyo 24.

 

Ayon kay Tokyo spokesman Masa Takaya, tuloy na tuloy pa rin ang iba pang mga test events kahit na magpapatupad sila ng iba pang mga pagbabago.

 

“We still don’t which athletes are competing,” wika ni Takaya. “When it”s the most appropriate time, we will release the participants information.”

 

Una nang nanidigan ang International Olympic Committee at mga local organizers na walang balak na ipagpaliban o ikansela ang Olympiyada, na huling nangyari noong panahon pa ng digmaan.

Other News
  • Duque hindi sang-ayon na makasuhan sa PhilHealth mess: ‘I intend to clear my name’

    Dismayado si Health Sec. Francisco Duque III sa pagkakasali niya sa mga pinakakasuhan ng Senado kaugnay ng kontrobersya ukol sa umano’y korupsyon sa loob ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).   “I just finished a series of meetings and was only informed of the sponsorship speech of Senate President Sotto on the findings of the […]

  • PBBM, bumuo ng inter-agency body para sa inflation, market outlook

    NAGPALABAS si Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. ng  executive order (EO) para direktang tugunan ang  inflation at palakasin ang inisyatiba para mapabuti ang ekonomiya at kalidad ng buhay ng mga Filipino.     Ang EO No. 28, tinintahan ni Executive Secretary Lucas Bersamin nito lamang Mayo 26, ay nag-aatas na lumikha ng  Inter-Agency Committee on Inflation […]

  • Awarding ng tseke sa 4 Olympic medalists sa Malacañang

    Gusto ng Philippine Sports Commission (PSC) na pagsabayin ang pagbibigay ng cash incentives at awards kina Olympic Games medalists Hidilyn Diaz, Nesthy Petecio, Carlo Paalam at Eumir Felix Marcial sa Malacañang.     Sinabi kahapon ni PSC chairman William ‘Butch’ Ramirez na naghihintay sila ng ‘go signal’ mula sa Office of the President para sa […]