• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SolGen, naghain ng gag order sa SC vs ABS-CBN

Hiniling kahapon, Pebrero 18 ng Office of the Solicitor General (OSG) Supreme Court na mag-isyu ng gag order para pigilan ang sino mang partido o personalidad mula sa ABS-CBN na maglabas ng kanilang statement o talakayin ang quo warranto petition kaugnay ng franchise case ng TV network.

 

Depensa ni Solicitor General Jose Calida, ang aksiyon daw ng ABS-CBN ay paglabag sa sub-judice rule.
Nag-ugat ang very urgent motion ni Calida sa isang video na may title na ‘Quo warranto petition laban sa ABS-CBN, ano ang ibig sabihin?’ na inilabas noong Pebrero 14.

 

Sinabi ni Calida na ang naturang video ay direktang tumatalakay sa mga alegasyon kontra sa quo warranto petition.
Ang mga statements sa video na mula sa reporter ng network na si Christian Esguerra ay sigurado umanong makakaimpluwensiya sa public opinion at magkakaroon ng pre-judgment sa kaso.

 

Binanggit din ng OSG ang serye ng commentaries na naka-post sa ABS-CBN online na posible ring makaimpluwensiya sa Supreme Court (SC).

 

Isinama rin ng OSG ang posts ng ABS-CBN artists at iba pang personalidad dahil daw sa pagbibigay ng kanilang “unsolicited opinions” sa quo warranto petition.

 

SC pinagkokomento ang ABS-CBN sa gag order hiningan ng komento ng Supreme Court (SC) ang ABS-CBN kaugnay ng inihain ng Office of the Solicitor General (OSG) na urgent motion to issue gag order para pigilan ang sino mang partido o personalidad mula sa ABS-CBN na maglabas ng kanilang statement o talakayin ang ng quo warranto petition kaugnay ng franchise case ng TV network.

 

Ayon kay SC Spokesman Brian Hosaka, matapos ihain kanina ang hirit ni Calida ay agad itong isinalang sa en banc session.

 

Aniya, binigyan ng SC ang ABS-CBN ng limang araw na palugit para magkomento sa urgent motion sa oras na natanggap na nila ang notice.

 

SUPORTADO ng Malakanyang ang ginawa paghiling ng Office of Solicitor General ng Gag Order sa Supreme Court kaugnay sa isyu ng ABS-CBN franchise.

 

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo na tama lamang ang naging hakbang ng SolGen dahil nagiging emosyonal na umano ang naturang isyu.

 

Binigyan diin ni Panelo na ginagawa lamang ni Calida ang trabaho nito bilang Solicitor General.

 

Iginiit ng kalihim na ngayong pending na sa Korte Suprema ang usapin ng prangkisa ng ABS-CBN marapat lamang na iwasan na ang pagkwestiyon at pagtalakay sa merito ng kaso ng magkabilang kampo.

 

Batay sa very urgent motion na isinumete sa Kataas-taasang Hukuman,hiniling ni SolGen Calida na maglabas ng Gag order ang Supreme Court na nagbabawal sa mga kumakatawan sa magkabilang partido na maglabas ng anumang statement na tumatalakay sa isyu.

 

Binabanggit din ng OSG ang mga posts sa social media ng mga artista ng ABS-CBN na kumu-kuwestiyon sa quo warranto petition na inihain laban sa media firm noong nakaraang linggo.

Other News
  • Filipinas magtutungo sa US para sa paghahanda sa 2023 FIFA Women’s World Cup

    MAGTUTUNGO sa California ang Philppine Womens’ National Football team para magsanay bilang kahandaan sa 2023 FIFA Women’s World Cup.     Sinabi ni Filipinas head coach Alen Stajici na magkakaroon ng isang friendly match sa mga susunod na linggo.     Pipilitin nilang makapaglaro sa ilang mga international teams para mas lalong gumaling pa ang […]

  • Giit ni Pdu30, walang magic bullet laban sa Covid- 19 pandemic

    SINABI ni Pangulong  Rodrigo Roa Duterte na walang “magic bullet” para resolbahin ang  coronavirus disease 2019 (Covid-19) health crisis.   Kaya ang pakiusap ng Pangulo sa publiko ay dagdagan pa ang pasensiya  hanggang  maging available ang bakuna.   Sa public address ni Pangulong Duterte ay tiniyak nito sa publiko  na patuloy na tinutugunan ng pamahalaan […]

  • PBBM, hindi alam kung paano maging Pangulo- VP Sara

    MATAPANG na sinabi ni Vice President Sara Duterte na hindi alam ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kung paano maging Pangulo ng Pilipinas kaya’t hindi na kataka-taka kung ang bansa ay “on this road to hell”.     “Hindi ko kasalanan that we’re on this road to hell… Hindi marunong maging presidente ang nakaupo. Kasalanan ko […]