• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagkalat ng ‘mutated’ COVID-19, pinipigil na ng DOH

Nagsasagawa na ngayon ng aksyon ang Department of Health (DOH) sa Central Visayas para mapigilan  at hindi na kumalat ang natuklasang dalawang ‘mutated’ na COVID-19.

 

 

“The DOH recognizes the potential public health implications of these reported mutations in samples from Region 7. The Center for Health Development (CHD) in Central Visayas has initiated measures to contain the transmission in the region and investigation to characterize the cases and areas of concern,” ayon sa pahayag ng DOH kahapon.

 

 

Magpapadala pa ng dagdag na samples ang DOH-Region 7 sa Philippine Genomic Center (PGC) para makakuha pa ng mga karagdagan rin na mga detalye ukol sa dalawang mutation na inisyal na binansagang  E484K at N501Y.

 

 

“We would like to emphasize that our biosurveillance efforts extend beyond this enhanced response in Region 7 and is inclusive of all regions to give us better national and regional pictures of these mutations and variants,” ayon pa sa DOH.

 

 

Sinabi rin ni Health Secretary Francisco Duque III na masyado pang maaga na iugnay ang dalawang bagong diskubreng mutation sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Region 7. Sinabi ng kalihim na isang factor ang pagtaas ng mobility ng mga tao nang ilagay ang rehiyon sa ‘modified general community quarantine’.

 

 

“Yan sa tingin ko ang posibleng dahilan pero pwedeng hindi lang siya ang dahilan, posibleng marami ring dahilan kaya kailangan ng mas malalimang pagsusuri para malaman natin kung ang pagtaas na ito ay dahil sa isang factor or pangalawang factor or combination ng factors,” pahayag pa ni Duque.

 

 

Ipinaliwanag ng DOH na natural na nagkakaroon ng mutation ang mga viruses, maging kapag nasa loob na ng katawan ng tao. Iba’t iba rin ang epekto ng mga mutation kung saan maaaring hindi naman nakasasama. (Daris Jose)

Other News
  • 3 bansa, kinukunsidera bilang employment markets para sa OFWs- POLO

    TATLONG bansa ang kinukunsidera bilang  employment markets para sa Overseas Filipino Workers (OFWs), ayon sa ulat ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Lebanon.     Sinabi ni Labor Attache Alejandro Padaen na tinitingnan nila ang bansang  Turkey, isa rin sa ilalim ng hurisdiksyon ng POLO kasama na rin ang mga bansang Georgia, Azerbaijan, at […]

  • SENATE BILL 2094: IBA ANG PUBLIC UTILITY sa PUBLIC SERVICE, at ang EPEKTO sa PUBLIC LAND TRANSPORTATION

    Sa mahabang panahon ang public land transport ay itinuturing na public utility business kaya naman ayon sa nationality restriction provision ng Saligang Batas ay dapat at least 60 percent ay pagaari ng mga Pilipino.     Ibig sabihin ay maaring pumasok sa public transport ang mga dayuhan basta hindi lalampas sa 40 percent ang kanilang […]

  • Pinas pinaghahanda sa ‘worst-case scenario’ vs Delta variant

    Kailangan maghanda ang Pilipinas para sa isang “worst-case scenario” laban sa posibleng pagkalat ng mas nakakahawang Delta coronavirus variant.     Ayon kay Dr. Gene Nisperos, board member ng non-governmental organization Community Medicine Development Foundation, hindi pa rin kasi sapat ang testing na ginagawa sa ngayon at mabagal din ang rollout ng pagbabakuna para maiwasan […]