Vaccine czar Galvez, nabakunahan na rin ng Sinovac
- Published on March 2, 2021
- by @peoplesbalita
Naturukan na rin ng Sinovac COVID-19 vaccine si vaccine czar Sec. Carlito Galvez Jr.
Isa si Galvez sa mga nakatanggap ng bakuna kontra COVID-19 sa Philippine General Hospital (PGH), kung saan isinagawa ang ceremonial rollout.
Layon ng programang ito na palakasin ang kumpiyansa ng publiko sa gitna ng hesitancy sa pagpapabakuna.
Nagkaroon ng kaunting delay sa pagtuturok ng Sinovac COVID-19 vaccine kay Galvez dahil nais nitong mauna muna ang mga health workers.
Base sa vaccination priority list ng pamahalaan, ang mga frontline workers sa mga healthcare facilities ang siyang unang makakatanggap ng bakuna kontra COVID-19.
Sa ceremonial rollout ng COVID-19 vaccination program ng pamahalaa, si PGH Director Gap Legaspi ang unang nakatanggap ng bakuna.
Ginamit kina Legaspi at Galvez ang bakunang gawa ng Chinese firm na Sinovac.
Kahapon, dumating sa Pilipinas ang 600,000 doses ng mga bakunang ito. (Daris Jose)
-
TALAMAK NG DROGA, PUGAD SA PROSTI
SA bansang may sariling gobyerno at sinusunod na batas, lahat ay pantay-pantay. Hindi sinusukat ang yaman o posisyon sa lipunan. Higit sa lahat, walang kinikilalang lahi, basta nakatapak sa teritoryo, obligadong sumunod sa batas at kung may nilabag man ay dapat managot. Ang tanong, ito ba talaga ang nangyayari? ‘Yung mga bawal, bawal […]
-
Pareho silang cover ng nagbabalik na Billboard PH: REGINE, patuloy na gumagawa ng history tulad ng ayaw paawat na SB19
AYAW paawat ng paborito naming grupo na SB19. Paano naman, sila ang nasa cover ng nagbabalik na music magazine, ang Billboard Philippines! Huminto ang publication ng naturang magasin noong 2018, at ngayong 2023 ay nagbabalik sila sa sirkulasyon at sino pa ba naman ang nararapat na sa cover nila kundi ang […]
-
Standardization sa singil ng mga driving schools, pinag-aaralan ng LTO
TARGET ngayon ng Land Transportation Office (LTO) na magpatupad ng standardization sa lahat ng singil ng mga driving school sa bansa. Ito ang inihayag ni LTO chief Jose Arturo Tugade kasunod ng ilang reklamong natatanggap ng ahensya dahil sa malaking halaga ng perang kinakailangan umanong ilabas ng isang indibidwal para makakuha ng driver’s […]