Fernando, Cardenas, inilunsad ang Bulacan Republicans para sa NBL season 4
- Published on March 3, 2021
- by @peoplesbalita
LUNGSOD NG MALOLOS– Inilunsad nina Gob. Daniel R. Fernando at Romy Cardenas bilang mga team owner ang Bulacan Damayan Republicans, kinatawan ng lalawigan ng Bulacan sa National Basketball League Season 4 at binuksan ang try out sa Bulacan Capitol Gymnasium sa lungsod na ito, Lunes ng umaga, para sa mga nagnanais na mapabilang sa team.
Sinabi ni Fernando na habang hindi pa natutuloy ang plano nitong Bulacan Sports Academy dahil sa pandemya, patuloy pa rin ang layunin niyang palakasin ang mga Bulakenyong atleta.
“Gusto kong magkaroon ng advance learning and technology ang mga manlalarong Bulakenyo, pero sa ngayon, nang imbitahan tayo ng NBL, kinuha natin ‘yung opportunity na palakasin ‘yung ating mga homegrown basketball players at i-develop ‘yung kanilang discipline, sportsmanship and humility,” ani Fernando.
Ayon naman kay Cardenas, naniniwala siya at sumusuporta sa gobernador at nais din niyang ipakita na kayang makipaglaban ng mga Bulakenyo sa propesyunal at pambansang liga.
Samantala, sinabi ni Games and Amusements Board (GAB) Chairman Baham Mitra na makakaasa ang lahat na sinusunod nila ang mga protokol sa kalusugan at palaro ngunit inaasahan din niya na ang mga atleta na rerespetuhin nila ang mga opisyal at iiwas sa anumang gulo sa palaro.
Ipinaliwanag naman ni NBL Executive Vice President Rhose Montreal na inimbitahan nila ang gobernador dahil batid nila ang pagmamahal nito sa isports kung kaya naman nailunsad ang proyektong Bola Kontra Droga ilang taon na ang nakararaan.
“We believe na kapag si Gob ang nag-handle mas magiging maayos at maalagaan ang team,” ani Montreal.
Bukod dito, inanyayahan din ni NBL Vice President for Operations Commissioner John Edward Aquino ang mga nangangarap maging propesyunal na manlalaro na ituloy ang kanilang mga pangarap.
“The only requirement is the PSA to prove that you really are a homegrown in that area. Apart from that sa age, since professional league na 21-35 na, and everyone will get a license from GAB, not just that coach and players but everyone in the team, and that is a matter of privilege, ibig sabihin ‘pag may ginawa kang mali at after maimbestigahan, pwedeng bawiin,” paliwanag ni Aquino.
Naitatag ang NBL noong 2018 bilang isang developmetal league at unang professional homegrown league sa mundo na naglalayong paghusayin ang talento ng mga homegrown na atleta ng mga bayan, lungsod o lalawigan na magsisimula sa Abril.
Kahanay na ng NBL ang Philippine Basketball Association at Chooks-to-Go 3×3 sa listahan ng mga professional leagues sa bansa na nagbibigay ng pagkakataon sa mga manlalaro na magkaroon ng exposure at hindi upang makipagkumpetensya sa kapwa nila propesyunal na paliga. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Malakanyang, binuweltahan si Senador Lacson
NIRESBAKAN ng Malakanyang si Senador Panfilo Lacson matapos nitong pasaringan si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na dapat i-“refresh” ng Pangulo ang kanyang memorya sa pamamagitan nang pagbasa sa Article VII, Section 21 ng 1987 Constitution kung saan nakasaad na walang anumang tratado o international agreement ang magiging valid at epektibo maliban na lamang kung niratipikahan […]
-
Magpapainit ngayong Summer dahil sa sexy photos… JERIC, mas inspired ngayon sa career dahil kay RABIYA
AMINADO ang tatlong bida ng Prima Donnas na sina Jillian Ward, Sofia Pablo at Althea Ablan na sobrang ini-enjoy ni Elijah Alejo ang kanyang pagiging kontrabida nito sa kanila. Kahit na raw tatlo sila na pinagtutulungan ang character ni Elijah na si Brianna, kayang-kaya raw sila nito at all-out daw kung magkontrabida ito […]
-
2,536 frontliners, inayudahan ng Makati government
Makakatanggap ng pamaskong groceries at wellness kits ang nasa 2,536 medical frontliners ng Ma-kati Health Department, Ospital ng Makati, at Incident Command Post (ICP). Laman ng bawat wellness kit ang grocery items, isang juice box na may kasamang reusable tumbler, isang dosenang donuts at food voucher na nagkakahalaga ng 500 pesos. Sinabi ni […]