• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Abogadong Pinoy na nabaril sa Philadelphia, pumanaw na

PUMANAW na ang 35-anyos na abugadong Pinoy na nabaril habang nagbabakasyon sa Philadelphia sa Amerika.

 

 

Sa Facebook account ng kanyang inang si Leah Bustamante Laylo, inanunsyo nito na alas 10:33 ng gabi kagabi, Philippine time nang bawian ng buhay si John Albert Laylo.

 

 

Ayon kay Philippine Consulate General in New York Elmer Cato, tinamaan sa ulo si John ng isa sa 6 na bala na pinaputok sa sinasakyang uber ng mag-ina.

 

 

Nagtamo naman ng 3 shrapnel wounds ang ina ng biktima.

 

 

Sinabi ni Cato na patungo sana ang mag-ina sa airport para sa kanilang flight patungong Chicago bandang alas 4 ng umaga.

 

 

Sa ngayon ay wala pang development ang Philadelphia Police sa nangyaring pamamaril.

Other News
  • LOCKDOWN SA NAVOTAS CITY HALL, PINALAWIG

    NILAGDAAN ni Mayor Toby Tiangco ang Executive Order No. TMT-019 na nagpapalawig ng hanggang March 9, 2021 ang lockdown sa Navotas City Hall, kabilang ang Navotas City Hall Annex (kasama ang NavoServe) at Franchising Permits Processing Unit.     Ayon kay Mayor Tiangco, sa isinagawang mass testing ng mga kawani ng city hall, napag-alaman na […]

  • Alden at Gabbi, hinirang na Best Actor at Best Actress

    MALAPIT nang manganak sa kanyang third baby si Andi Eigenmann.     Sa kanyang latest post sa social media, nilantad ni Andi ang kanyang nine month baby bump. Excited ang aktres dahil baby boy ang isisilang niya ngayong 2021.     “And just like that, I’m at 36 weeks!! Holiday festivities kept us busy, since […]

  • Hinaing ng sportsman, businessman ng Rizal (Huling bahagi)

    ISANG taon nang nakakulong si Andrew Joshua delos Reyes sa San Mateo Municipal Jail sa San Mateo, Rizal.   Ito’y makalipas siyang damputin ng mga pulis na nag-raid sa isang computer shop sa kalapit na village sa lugar na malapit din sa bahay ng kabigan niya.   Hindi nadakip ang may ari ng bahay kaya […]