• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Abueva balik-PBA na

Ikinatuwa ng koponan ng Phoenix Pulse ang balitang inaprubahan na ng Philippine Basketball Association (PBA) ang pagbabalik sa liga ng kontrobersyal na si Calvin Abueva.

Ayon sa insider, nagtataka umano sila dahil biglang nagbago ang ihip ng hangin ni PBA Commissioner Willie Marcial na madalas sinasabi na kailangan pang maipasa ni Abueva ang isa pang test na hindi matapos-tapos ng tubong Pampangeno.

Malaki umano ang naitulong para sa maagang pagbabalik ng Phoenix star sa laro nang kumalat ang balitang kinukuha at pipirma na sa Japan B League si Abueva.

Matatandaang unang pumirma si Thirdy Ravena sa team ng Sun En-NeoPhoenix sa Japan, bago operan din ng isang team sa Japan si Abueva para maglaro bilang import.

Bukod kay Abueva, tumanggap din umano ng offer sa Japan bilang import sina Terrence Romeo at Raymond Almazan.

Sinabi rin ng insider na ikinatuwa ni Marcial ang sinabi ni Abueva na mas prayoridad nitong maglaro sa PBA kaysa sa Japan kaya matiyaga nitong hinihintay ang desisyon ng liga sa kabila na mahigit isang taon na itong suspendido.

Pero, nagsalita umano si Abueva na kung hindi na siya papayagang maglaro sa PBA ay tatanggapin na niya ang offer ng Japan B League.

Idinagdag pa ni Marcial na kapansin-pansin na malaki na ang ipinagbago ni Abueva mula sa pag-uugali, pananalita pati na ang pagkilos nito.

Sa katapusan ng Agosto ay mapapaso na ang kontrata ni “The Beast” sa Fuel Master at kung hindi na ito palalawigin ng koponan ay nagkaabang umano ang koponan gaya ng Magnolia Hotshot at Brgy. Ginebra.

Other News
  • Baka raw mawala ang ’sumpa’ pag um-atttend: AIKO, inimbita na si ROSANNA sa nalalapit niyang kasal

    NAGTAGUMPAY ang Kapuso aktres at komedyana na si Pokwang sa kagustuhan niyang mapaalis ng bansa ang dating asawang si Lee O’ Brian.   Sa bisa ng reklamo ni Pokwang na illegal na pagtatrabaho ng dating asawa sa Pilipinas ay ipina-deport na si Lee ng mga tauhan ng Bureau of Immigrations last Monday April 8.   […]

  • Clarkson mainit sa panalo ng Jazz

    NAGPASABOG si Fil-American guard Jordan Clarkson ng career-high 45 points para tulungan ang Utah Jazz sa 134-125 pagligwak sa Sacramento Kings.     Kumonekta si Clarkson ng pitong triples at may perpektong 8-of-8 shoo­ting sa free throw line para sa Jazz (42-25) na nanatili sa No. 4 spot sa Western Conference.     Nag-ambag si […]

  • Pacquiao tatanggapin ang ‘Manok ng Bayan’

    SOKPA uli si eight-division world men’s professional boxing champion Sen. Emmnuel ‘Manny’ Pacquiao sa Philippine Sportswriters  Association (PSA) virtual Awards Nights 2020 sa TV5 Media Center sa Mandaluyong sa Marso 27, Sabado.     Igagawad sa 42-anyos, 5-7 ang taas at tubong Kibawe, Bukidnon ang Chooks-to-Go Fan Favorite ‘Manok ng Bayan’ Award, na kabilang sa […]