AFP PUSPUSAN ANG GINAGAWANG DISASTER RELIEF OPS AT DAMAGE ASSESSMENT
- Published on November 4, 2020
- by @peoplesbalita
PUSPUSAN ngayon ang isinasagawang search, rescue and retrieval and clearing operations ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga lugar na lubhang sinalanta ng Bagyong Rolly.
Ongoing na rin ngayon ang isinasagawang relief distribution ng militar kasama ang DSWD.
Ayon kay AFP Chief of staff Gen. Gilbert Gapay, nakatutok ang lahat mga ground commanders sa humanitarian, disaster and relief operations.
Subalit naka-alerto rin laban sa mga rebeldeng grupo na samantalahin ang isinagawang humanitarian and disaster mission.
Aniya, may pwersa ring naka pokus para i mantene ang peace and order lalo na duon sa mga lugar na may mga komunistang rebelde ang nag-ooperate.
Kahapon nagsagawa ng aerial inspection ang militar sa Catanduanes at sa airport nito para makita ang pinsala na dulot ng hagupit ng Bagyong Rolly.
Nagsagawa naman ng relief operations ang 51st Engineering Brigade ng Phil Army sa Baao, Camarines Sur kung saan namahagi itong ng food packs sa komunidad.
Nanguna din sa road clearing operations ang mga tropa ng 31st Infantry Battalion sa Sorsogon.
Tumulong din ang mga ito sa repacking at pamamahagi ng relief goods sa mga kababayan nating biktima ng Supertyphoon Rolly.
Ang Naval Intelligence and Security Group Southern Luzon at ang Philippine Navy Islander ay nagsagawa naman ng damage assessment mission sa Catanduanes area.
Ang Navy Islander NV312 sa pangunguna ng Pilot In Command, Lt. Cdr. Mark Licos, lumipad sa coastal arwas San Andres at Virac City para i-assess ang pinsala sa lugar na dulot ng Bagyong Rolly. (Ara Romero)
-
Kouame, ihahabol ng SBP na mapasama sa FIBA qualifiers
Nagbubunyi ngayon ang mundo ng basketball sa Pilipinas matapos na pormal nang magawaran ng Filipino citizenship ang big man ng Ateneo de Manila University na si Angelo Kouame. Ang 23-anyos na si Kouame ay ipinanganak sa Ivory Coast at may height na 6-foot-10. Una nang pinirmahan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang […]
-
Benepisyo ng infrastructure projects ng Duterte Administration- PCOO
RAMDAM na ang benepisyo ng Build, Build Build project ng Duterte Administration sa pagluwag ngayon ng Edsa. Sinabi ni Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar na nagbunga na ang infrastructure projects ng pamahalaan. Aniya, kapansin- pansing mas mabilis na pagbiyahe sa Edsa kasunod ng pagbubukas ng NLEX- SLEX Skyway kamakailan na na- obserbahan din […]
-
PDu30, nananatili pa rin ang ‘full trust and confidence’ kay Sec. Villar
NANANATILI ang “full trust and confidence” ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay Public Works Secretary Mark Villar sa kabila ng alegasyon ng korapsyon sa departamento. Nabanggit kasi ni Pangulong Duterte, sa kanyang public address, Miyerkules ng gabi na may bahagi ng pondo ng DPWH ang nagamit para ibigay sa ilang katao na hindi naman […]