After 25 years, ramdam mahal na mahal pa rin: HEART, sobrang grateful sa well-deserved 10 million IG followers
- Published on March 10, 2022
- by @peoplesbalita
PINASALAMATAN ng actress-socialite na si Heart Evangelista ang kanyang fans and followers sa official Instagram account dahil sa latest milestone na nakamit niya.
Habang na sa Paris, France pa ang aktres, na-hit na niya ang 10 million followers sa famous photo-sharing app.
In-upload nga ni Heart sa kanyang IG account na @iamhearte, ang series of photos na hawak-hawak ang “10M” balloons.
Caption ni Heart, “10 million in Paris. Thank you to everyone. After almost 25 years in showbiz, who would have thought I would still be loved by 10 million more. I am so grateful.” Umapaw nga sa comment section ang mga pagbati mula sa netizens at kanyang celebrity friends, at marami talaga ang nag-comment na deserved na deserved niya ang latest milestone sa socmed.
Ilan sa naging comment ng netizens:
“We love you Heart! Thank you for giving us the content of our dreams.”
“Well-deserved my dear! The content you put out is entertaining, creative, and most of all inspiring. You’ve touched so many lives—young and old—by simply being true to yourself. Cheers!”
“Grabeeee na feel ko yun tears of joy, stay humble . GOD BLESS you and keep you safe .
“Hope you reached more than that you deserve it Heart congrats.”
“Congrats ate heart well deserve. keep slayin at fashion shows queen.”
“You deserve it. your heart is beautiful and so is your whole being.”
“Thank you for inspiring us, we love you Queen.”
***
MAY kumakalat na tsismis na buntis na raw si Angelica Panganiban courtesy ng boyfriend niyang si Gregg Homan, na magtu-two years nang magka-relasyon.
Kung true ang tsika, for sure, sobrang saya ng aktres dahil malapit na siyang magka-anak na matagal na raw niyang pinapangarap.
Sabagay, nasa tamang edad na naman siya, ang kasabayan nga niyang si Camille Prats ay mga anak na.
Kaya tiyak na pahinga muna sa pagtanggap ng project sa kanyang mother studio, huli siyang napanood sa iWantTFC Original series na The Goodbye Girl at sa WeTV Original series na The Kangks Show na puwedeng balik-balikan.
Samantala, few days ago, nagkaroon nang masayang reunion ang magkakaibigan na sina Angel Locsin, Dimples Romana, Bea Alonzo, Anne Curtis at Angelica, na balitang doon daw ni-reveal ng aktres ang kanyang kalagayahan ngayon.
Kasama rin sa reunion dinner sina Gregg na bf ni Angge, Dominic Roque na boyfriend ni Bea at ang husband ni Angel na si Neil Arce. Hindi naman nakarating ang asawa nina Dimples at Anne.
(ROHN ROMULO)
-
Tambalang Sara-Go sa Eleksyon 2022, binuking ni PDu30
IBINUKING ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang napipintong pagtatambal nina Davao City Mayor Sara Duterte at Senator Christopher “Bong” Go para sa dalawang “top government posts” sa May 9, 2022 elections. Kinumpirma mismo ni Pangulong Duterte sa isang ambush interview sa labas ng Sofitel Hotel sa Pasay City, araw ng Sabado ang bagay na […]
-
CHRISTIAN, first time na gawin ang bed scene and torrid kissing scene with SEAN dahil kay Direk JOEL
SINA Diego Loyzaga at Christian Bables ay mga Bekis on the Run, sa pinaka-aabangan na comedy-drama movie ng award-winning direktor na si Joel Lamangan, exclusive sa VIVAMAX ngayong September 17. Sinubukan ni Andres (Diego) at ng kanyang bading na kapatid na si Donald (Christian) na nakawan ang isang construction site, ngunit wala sa plano nila ang […]
-
VENDOR NA TRIGGER HAPPY KALABOSO
REHAS na bakal ang kinasadlakan ng isang ice vendor matapos arestuhin ng pulisya makaraang magpaputok ng baril sa Malabon city, kamakalawa ng hapon. Kinilala ni Malabon police chief Col. Jessie Tamayao ang naarestong suspek na si Henry Gososo, 40 ng Block 7G Lot 3 Phase 3A1, Brgy. Longos. Sa imbestigasyon nina PSSg Diego Ngippol […]