VENDOR NA TRIGGER HAPPY KALABOSO
- Published on September 17, 2020
- by @peoplesbalita
REHAS na bakal ang kinasadlakan ng isang ice vendor matapos arestuhin ng pulisya makaraang magpaputok ng baril sa Malabon city, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ni Malabon police chief Col. Jessie Tamayao ang naarestong suspek na si Henry Gososo, 40 ng Block 7G Lot 3 Phase 3A1, Brgy. Longos.
Sa imbestigasyon nina PSSg Diego Ngippol at PCpl Michael Oben, nakatanaggap ng tawag sa telepono mula sa Brgy. Longos ang Station Intelligence Section hinggil sa napaulat na indiscriminate firing sa Block 8 Teachers Village Pampano St. Brgy. Longos.
Kaagad nirespondehan ng mga pulis sa pangunguna ni PLT Joel Aquino ang naturang report kung saan nagsagawa ang mga ito ng round the clock surveillance sa naturang lugar hanggang makarinig sila ng putok ng baril malapit sa kanilang puwesto alas-5:50 ng hapon.
Nang biripikahin ng mga pulis ay nakita nila ang suspek na may bitbit na baril kaya’t agad nila itong inaresto at nasamsam sa kanya ang isang cal. 38 revolver na kargado ng apat nab ala at dalawang basyo ng bala.
Kasong paglabag sa RA 10591 (illegal possession of firearm) ang isinampa ng pulisya kontra sa suspek sa Malabon City Prosecutors Office. (Richard Mesa)
-
Operasyon sa Manila North Port Passenger Terminal, balik operasyon na
BALIK NA muli sa normal ang operasyon ng Manila North Porth passenger Terminal ngayong araw. Ito ay matapos alisin na ng mga otoridad ang itinaas na storm signal warning sa buong Metro Manila nang dahil pa rin sa pananalasa ng bagyong Egay sa bansa. Sa ulat, aabot na sa […]
-
‘Cancel culture’ ginagamit sa pag-iwas sa mga debate
NANINIWALA ang kampo ni presidential candidate at Vice Pres. Leni Robredo na pinaiiral ni dating Senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang “cancel culture” para makaiwas sa mga debate at political rallies. Sinabi ni dating congressman Erin Tañada, campaign manager ng Robredo-Pangilinan tandem na ang pagiging pangulo ng bansa ay hindi isang laro ng […]
-
Pacquiao tutulak na sa Amerika
Tutulak na pa-Amerika si eight-division world champion Manny Pacquiao sa susunod na linggo upang ipagpatuloy ang pukpukang ensayo sa Wild Card Gym sa Hollywood, California. Nakatakdang umalis si Pacquiao sa Hulyo 3 para makasama sina Hall of Famer Freddie Roach at strength and conditioning expert Justine Fortune sa training camp doon. […]