AIRLINES PINAALALAHANAN, TANGING DOKUMENTADONG PASAHERO ANG ISASAKAY
- Published on February 16, 2022
- by @peoplesbalita
NAGPAALALA si Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente sa mga airlines na siguraduhin na tanging mga karapat-dapat na mga dayuhan ang papayagang sumakay sa kanila patungo sa Pilipinas
Sinabi ni Morente na responsibilidad ng isang airlines na siguraduhin na ang mga karapat-dapat na mga dayuhan lamang ang pasasakayin at makapasok sa bansa kasunod ng bagong resolusyon ng Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF).
Sa kasalukuyan, tanging ang mga fully vaccinated na mga dayuhan ang papayagan na makapasok, kasunod ng pagpapakita nila ng kanilang mga dokumento.
Sinabi ni Atty Carlos Capulong, BI port operations chief na nararapat lang na siguraduhin ng mga airlines na sinusunod ng mga pasahero ang mga kinakailangang dokumento dahil sila rin ang responsible kung hindi makakapasok ang kanilang customer sa ating bansa.
“This is a joint effort by different government agencies, as well as the airlines who are the first to evaluate documents presented by travelers,” ayon kay Capulong. “The airlines have been very helpful and cooperative with these policies that we are duty-bound to impose,” dagdag pa nito.
Ang isang banyaga na hindi papayagang makapasok ay kinakailangang sumakay sa susunod ng flight pabalik sa kanilang bansa habang pananagutin din ang airlines sa hindi pagsunod sa alituntunin. (GENE ADSUARA)
-
DHSUD, sinimulan na ang cash distribution sa mga biktima ng ‘Kristine’ sa Albay
SINIMULAN na ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ang pamamahagi ng cash assistance sa mga residente ng lalawigan ng Albay kung saan ang mga tirahan ay totally o partially damaged na resulta ng pananalasa ng bagyong “Kristine” . Sa paunang ulat, 60 pamilya mula sa bayan ng Daraga, isa sa […]
-
PINURI ni Mayor John Rey Tiangco ang nasa 60 persons who used drugs
PINURI ni Mayor John Rey Tiangco ang nasa 60 persons who used drugs (PWUDs) na nagtapos sa Bidahan, ang community-based treatment and rehabilitation program (CBDRP) ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pagpapasya na talikuran nila ang kanilang bisyo at gumawa ng bagong buhay para sa kanilang sarili at kanilang pamilya. (Richard Mesa)
-
ISANG OFFSHORE GAMING, TINANGGALAN NG LISENSYA NG PAGCOR
DAHIL sa maling pamamalakad sa offshore gaming sites, tinanggalan ng provisional accreditation ang isang offshore gaming hub, ayon sa Philippine Gaming Corporation o PAGCOR. Ayon kay PAGCOR Chairman at CEO Alejandro Tengco ang Sun Valley Clark sa Freeport Zone Pampanga ay hindi na mabibigyan ng accreditation dahil sa kabiguan nitong masiguro ang tamang […]