• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Aklat hinggil sa eleksiyon sa Filipinas, inilunsad sa Araw ni Balmaseda 2020

INILUNSAD ang aklat na Prosesong Elektoral (1846-1898): Ang Kaso ng Halalang Lokal sa Lalawigan ng Tayabas ni Dr. Gilbert E. Macarandang noong 28 Enero 2020, bilang paggunita sa ika-135 na kaarawan ni Julian Cruz Balmaseda.

 

Unang kinilala ang pananaliksik na ito nang parangalan ito bilang pinakamahusay na disertasyon sa agham pampulitika noong Gawad Julian Cruz Balmaseda 2016.

 

Pangunahing tinalakay dito ang politikal na impluwensiya, ugnayan at tunggalian ng Estado, Simbahan, at prinsipalya sa prosesong elektoral – sa pagpili ng gobernadorsilyo. Sa kabuan, ang kanyang disertasyon ay pag-aaral sa kasaysayan at kultura ng pagpili ng pinuno sa mga bayan ng Lalawigan ng Tayabas mula 1846 hanggang 1898.
Nagtapos si Dr. Gilbert E. Macarandang ng doktorado sa Araling Filipinas (Philippine Studies) sa Pamantasang De La Salle-Manila. Sa kasalukuyan siyang nagtuturo ng kasaysayan sa Pamantasang De La Salle-Dasmariñas.

 

Pinagpupugayan ng KWF si Balmaseda bilang nangungunang makata, kritiko, at iskolar ng wika at kulturang Filipino. Naglingkod din siya bilang direktor ng Surian ng Wikang Pambansa kilala bilang KWF ngayon.

 

Ang paglalathala at pagsusulat ng mga saliksik na nagtatampok sa paggamit ng wikang Filipino ay repleksiyon ng mataas na pagkilala hindi lang kay Julian Cruz Balmaseda kundi sa wikang Filipino bilang wika ng karunungan.

 

Maaaring makabili ng kopya ng librong ito sa Komisyon sa Wikang Filipino, 2/P Gusaling Watson, Kalye J.P. Laurel, San Miguel, Maynila. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • LTFRB: 2,000 UV Express units balik kalsada

    HALOS mayroong 2,000 UV Express units ang pinayagan muli ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na bumalik sa kanilang operasyon.   Ayon sa LTFRB may kabuohang 6,755 na UV Express units ang magkakaron ng operasyon sa 118 na pinayagang ruta sa Metro Manila matapos ang huling batch ng 2,428 na units maging operational. […]

  • LeBron at Davis muling dinomina ang 16th win ng Lakers vs Hawks, 107-99

    Muli na namang nagsama ng puwersa sina LeBron James at Anthony Davis upang tulungan ang Los Angeles Lakers na iposte ang kanilang ika-16 na panalo laban sa Atlanta Hawks, 107-99.     Nagtala si Davis ng 25 points, habang si LeBron naman ay nagpasok ng 21 points, liban pa sa kanyang all around game.   […]

  • Buong NCR, mananatili sa Alert Level 1

    MANANATILI sa Alert Level 1 ang buong National Capital Region (NCR) mula Abril 1 hanggang 15, 2022.     Inaprubahan na kasi ng Inter-Agency Task Force (IATF), araw ng Huwebes, Marso 31, 2022, ang Abril 1 hanggang 15, 2022 Alert Level Classification sa mga lalawigan, highly urbanized cities (HUCs), at independent component cities (ICCs).   […]