• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Alcantara, Gonzales exit sa Men’s World Tennis Tour

NAPASIBAT agad ang Philippine bet na sina Francis Casey ‘Niño’ Alcantara at Ruben Gonzales sa ASC BMW $25,000 Men’s World Tennis Tour double first round sa Naples, Florida nang mabigo laban kina third seed tandem Alejandro Gomez ng Columbia at Israel ‘Junior’ Alexander Ore ng USA,  4-6, 6-1, 10-1.

 

 

Buwena-manong kompetisyon pa lang pa lang ito ng tubong Cagayan de Oro na si Alcantara at isinilng sa Tere Haute na si Gonzales para sa halos isang taong pagtengga sanhi ng pandemic.

 

 

Huling umaksiyon ang homegrown at half-Noypi sa Davis Cup kontra Greece kung saan sawimpalad ang ang ‘Pinas 4-1 sa Maynila noong Marso.

 

 

Wagi ng gold medal sa PH 2019 Southeast Asian Games men’s doubles sina Alcantara at Jeson Patrombon sa pagsilat sa Fil-Am pair nina Gonzales at Treat Conrad Huey sa all-PH finals. (REC)

Other News
  • LeBron, Giannis Captain Ball ng NBA All Star 2023

    Halos abot na ni LeBron James ang NBA career scoring record ni Kareem Abdul-Jabbar. At ngayon, nalampasan na naman niya si Abdul-Jabbar sa isa pang pahina ng All-Star record book.   Inanunsyo si James noong Huwebes (Biyernes, oras sa Maynila) bilang NBA All-Star sa ika-19 na pagkakataon, ang star ng Los Angeles Lakers na tumabla […]

  • Bagong Omicron variant na Arcturus, hindi dahilan ng muling pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 – expert

    BINIGYANG linaw ng isang eksperto na hindi ang Omicron subvariant XBB.1.16 o mas kilala bilang Arcturus variant ang dahilan ng muling pagtaas ng bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.     Sa isang pahayag ay sinabi ng infectious diseases expert na si Dr. Edsel Salvana na walang katotohanan na ito ang dahilan […]

  • 55 miyembro ng CPP-NPA, sumuko

    KASABAY  sa pagdiriwang ng ika-54 na ani­bersaryo ng Communist Party of the Philippines (CPP) kahapon (Dec. 26) ay siya namang pagsuko sa pamahalaan ng may 55 miyembro nito. Inihayag ito ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief P/Major General Jonnel  Estomo sa isinagawang programa kahapon ng umaga sa NCRPO headquarters sa Bicutan, Taguig City […]