• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Alert Level 1 hanggang matapos termino ni Duterte

Mananatili ang Pilipinas sa Alert Level 1 hanggang matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hun­yo 30, 2022, ayon kay Health Secretary Francisco Duque III.

 

Sinabi ni Duque na wala pang polisiya tungkol sa posibleng magpapatupad ng Alert Level 0 at pinag-aaralan pa rin ito sa ngayon.

 

 

Idinagdag ni Duque na ang pinagtutuunan nila ngayon ng pansin ay matulungan ang mga lugar na nasa Alert Level 2 na maibaba sa Alert Level 1 sa pamamagitan nang pagpapataas ng bilang ng mga may bakuna laban sa COVID-19.

 

 

“‘Yan muna ang ating pagtuunan ng pansin kaysa ‘yung pag-usapan na ‘yang Alert Level 0. Maayos naman tayo sa Alert Level 1. Tingin ko baka ito ay hanggang sa katapusan na,” ani Duque.

 

 

“Alert Level 1 muna tayo malamang hanggang sa katapusan ng termino ng ating Pangulong Duterte,” dagdag ni Duque.

 

 

Nauna nang inihayag ng Metropolitan Manila Development Authority na nakahanda na ang mga mayors para sa pagpapatupad ng Alert Level 0.

 

 

Muli namang ipinaalala ni Duque na hindi pa dapat tanggalin ang pagsusuot ng face mask dahil may naitatala pa ring impeksiyon sa bansa. (Daris Jose)

Other News
  • Didal tuloy ang ensayo

    PATULOY sa puspusang pagti-training si skateboarding star Margielyn Didal para sa mga Olympic Qualifying Tournament (OQT) at mapasama sa naurong sa 2021 na 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan.   Tinatiyaga ng Indonesia 2018 Asian Games women’s champion ang nadadaanang railings sa kanyang bayan sa Cebu upang maisagawa ang mahihirap na tricks habang […]

  • Halos 6-K police personnel idineploy para tumulong sa relief operations

    Nasa 5, 837 tauhan ng PNP mula sa lahat ng rehiyon ang dineploy sa Reactionary Standby Support Force para tumulong sa Relief, Search and Rescue Operations sa mga lugar na sinalanta ng bagyong “Odette”.   Ayon kay PNP Chief PGen. Dionardo Carlos, nakapag ligtas ang kanilang mga tauhan ng 1,263 indibidual sa ikinasang 142 rescue […]

  • Tanong ng netizens, bakit pati sina Liza at Julia? : KATHRYN, in-unfollow na si DANIEL kaya malabo nang magkabalikan

    NAGING usap-usapan ng netizens ang ginawang pag-unfollow ni Kathryn Bernardo kanyang ex-boyfriend na si Daniel Padilla sa Instagram.     Tila nagbigay na ng hudyat si Kath na imposible na silang magkabalikan pa ni DJ, na balitang muling nanunuyo sa babaing minahal nang lubusan.     Napanood nga sa video sa kasal nina Robi Domingo […]