• December 8, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘All is well’ kina Velasco, Cayetano matapos ang meeting kay Duterte – Sen. BG

MASAYANG ibinalita ni Sen. Bong Go na “all is well’ na sa pagitan nina bagong Speaker Lord Allan Velasco at dating Speaker Alan Peter Cayetano.

 

Ito ang naging pahayag ni Sen. Go matapos pulungin ngayong hapon ni Pangulong Rodrigo Duterte sina Cayetano at Velasco na una nang nagbangayan sa pagka-speaker.

 

Sinabi ni Sen. Go, parang isang tatay si Pangulong Duterte na kinausap ang kanyang mga anak.

 

Pinayuhan daw ni Pangulong Duterte sina Velasco at Cayetano na magkaisa at ipasa na ang P4.5 trillion proposed 2021 national budget.

 

“All is well. Parang tatay si Tatay Digong kinausap mga anak niya. Pinag-payuhan na mag-kaisa. One majority and pass the budget on time para sa sambayanang Plipino,” ani Sen. Go. (Ara Romero)

Other News
  • Higit 300 Bulakenyong mangingisda at kooperatibang pangsaka, tumanggap ng ayuda mula sa DA, BFAR

    LUNGSOD NG MALOLOS – May kabuuang 300 Bulakenyong mangingisda at 85 Farmers Cooperatives and Associations (FCAs) ang tumanggap ng ayuda mula sa Department of Agriculture (DA) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa ginanap na “Distribution of Agricultural and Fisheries Interventions to Farmers and Fisherfolks” sa Bulacan […]

  • Libreng sakay ng mga estudyante limited na lamang sa LRT 2

    BINAWI ng Department of Transportation (DOTr) ang naunang pahayag ang pagbibigay ng libreng sakay sa mga estudyente sa lahat ng rail lines maliban sa Light Rail Transit Line 2 (LRT2) matapos ang pamahalaan ay nagsabing hindi na makakayanan ang revenue losses na kanilang nararanasan.       “The DOTr has received an order from the […]

  • Anthony Davis, sumabak na uli sa ensayo; makakasama rin ng Lakers sa seeding games opener vs Clippers

    Makakasama na ng Los Angeles Lakers si superstar Anthony Davis sa kanilang seeding games opener kontra sa karibal nilang Los Angeles Clippers.   Una rito, hindi nakasama si Davis sa ensayo ng Lakers nitong nakalipas na araw matapos ang natamo nitong eye injury sa isa sa mga scrimmage ng koponan.   Pero ngayong bisperas ng […]