• June 8, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

AMO AT MAID, PATAY SA ENGKWENTRO

NASAWI  ang isang kasambahay nang nagka-engkwentro sa pagitan ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) at babaeng amo nito sa Sampaloc, Maynila Lunes ng madaling araw.

 

 

Sa ulat ng pulisya,  naganap ang insidente  dakong ala-1:35 ng madaling araw sa kahabaan ng Mindanao Ave., sa nasabing lugar.

 

 

Napag-alaman na dumating sa lugar ang isang kulay itim na pickup Ford Ranger na may plakang ABP 1605 sakay ang suspek na si Kristie Rose Castro y Infante, nakatira sa 30 Saint Anthony, San Carlos Heights ,Baguio City.

 

 

Base sa impormasyon, dumating sa lugar ang suspek kasama ang kanyang maid na nakilala lamang sa alyas Ivy at bigla na lamang nagpaputok ng baril.

 

 

Sinasabing bahay umano ng isang miyembro ng PNP ang kanyang pinutukan kaya naman humingi ng back up ang naturang pulis na hindi pa binabanggit ang pangalan .

 

 

Bumalik pa umano ang babaeng suspek at muling pinaulanan ng bala ang naturang bahay kaya dito na nagkaroon ng engkwentro o palitan ng putok.

 

 

Sa kasawiang palad, tinamaan ng bala at namatay ang maid ng suspek na noo’y makasakay sa passenger seat ng kanyang SUV.

 

 

Sa kabila nito, nagtangkang tumakas ang suspek patungo sa direksyon ng RM Blvd., kung saan siya nasukol .

 

 

Kasalukuyan nang nasa kustodiya ng Sampaloc police ang suspek habang patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente. (Gene Adsuara)

Other News
  • Dahil sa pag-amin nina James at Issa sa relasyon: YASSI, dawit sa pamba-bash at hate comments ng mga netizens

    MAKATUTULONG kaya o hindi ang pag-amin nina James Reid at Issa Pressman sa kanilang relasyon sa bagong teleserye ni Yassi Pressman sa TV5?     Pati kasi siya ay dawit sa bash at hate comments ng mga netizens na malamang, karamihan dito ay mga tagahanga ng dating magka-loveteam real and reel na sina Nadine Lustre […]

  • Omicron cases sa Pilipinas umabot sa 1,153 matapos matukoy local ‘sub-variants’

    NAKAPAG-DETECT ang Pilipinas ng karagdagang 618 kaso ng mas nakahahawang COVID-19 Omicron variant infections dahilan para umabot na ito sa libu-libo, ayon sa Department of Health (DOH).     Bahagi ito ng painakasariwang batch ng whole genome sequencing na iniulat ng DOH, UP-Philippine Henome Center at UP-National Institutes of Health ngayong araw, kung saan nasa […]

  • Pinay karateka Jamie Lim, naghahanda na sa Olympic qualifier

    Patuloy ang ginagawang paghahanda ni Filipina karateka Jamie Lim para sa Olympic qualification tournament.   Isa kasi si Lim sa nanguna noong nakaraang Southeast Asian Games na nanguna sa womens +61 kg. kumite para makuha ang gold medals.   Nakatakda sana lumahaok sana si Lim at ibang mga Filipino karatekas sa world Olympic qualifying tournament […]