ANG PAGSUOT NG FACE MASK SA PRIVATE CARS
- Published on February 5, 2021
- by @peoplesbalita
Maraming motorista ang nagtatanong Sa Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCS) kung ano ba ang polisiya sa pagsuot ng face mask sa private cars. May hinuhuli raw kahit mag-isa lang ang driver.
Naglabas ng MC 2020-2185 ang LTO noong May 12, 2020 – Guidelines in the Enforcement of Regulations issued by DOTr relative to the operation of Land Transportation in GCQ Areas. Sa Article III Sec 4 (b) nakasaad na all drivers and passengers of private and government vehicles must wear face masks at all times. Dito nagkalituhan dahil may mga hinuling driver kahit walang pasaherong sakay. Nilinaw naman ito ng LTO na kapag ang driver ay mag-isa lang at walang pasahero ay pwede naman ng walang suot na mask. Pero kapag may pasahero mandatory na may mask silang suot – ang pasahero at driver. Sa ngayon ay mas mataas ang penalty sa hindi pagsusuot ng mask:
- first offense ay isang libong piso P1000.
- second offense ay P2,000. at,
- third offense ay P3,000.
- fourth offense ay cancellation na ng driver’s license.
Ano naman daw ang violation? Isang motorista ang tinikitan sa expressway dahil sa hindi pagsuot ng mask ng Reckless Driving at ang penalty na binayaran niya ay P2,077. Bakit reckless driving?
Dahil sa Article IV Administrative Sanctions, Ground Procedure Sec 7 in relation sa JAO na ‘non-compliance’ with sanitary measures will be considered as reckless driving.
Ang bigat! Pero paano naman ang rider ng motor na naka helmet? Mag face mask pa ba siya? At pag walang face mask ay reckless driving baa ng kaso?
Bagamat tama lang ang paghihigpit sa pagsunod sa mga health protocols mukhang mabigat naman na i-konsidera na reckless driving ang hindi pag suot ng mask at ma-penalize ng malaking halaga.
At sana ang mga enforcers alam nila kung kailan at paano dapat ipatupad ang mga ito. (ATTY. ARIEL INTON)
-
Cong. Tiangco at Partido Navoteño nag-file na ng COC
IPINAPAKITA nina Navotas Congressman Toby Tiangco at Mayor John Rey Tiangco, kasama ang buong Partido Navoteño ang kanilang certificate of candidacy (CoC) matapos silang mag-file para sa kanilang kandidatura sa pagka-Congressman at pagka-alkade ng Navotas City. Pinasalamatan ng Tiangco Brother’s ang buong Partido Navoteño sa patuloy nilang tiwala at suporta sa kanila. Anila, isang […]
-
Dahil sa advance ticket sales para sa Oct. 13: ‘The Eras Tour’ ni TAYLOR SWIFT, kumita na ng higit sa $100 million worldwide
HINDI pa man naipalalabas, kumita na in advanced ticket sales ang concert film ng ‘The Eras Tour’ ni Taylor Swift. Ayon sa official distributor na AMC Theaters: “It has surpassed $100 million worldwide in advance ticket sales.” Sa October 13 na ipapalabas sa 8,500 cinemas across 100 countries ang record-breaking stadium tour […]
-
WATCH THE YOUNG LOVE STORY OF TIMOTHÉE CHALAMET AND ZENDAYA’S PAUL AND CHANI IN THE NEW TRAILER FOR THE ACTION-PACKED WORLD OF “DUNE: PART TWO”
YOU are not prepared for what is to come. Watch the new trailer for “Dune: Part Two,” the highly anticipated follow-up to Denis Villeneuve’s six-time Oscar-winning “Dune,” from Warner Bros. Pictures and Legendary Pictures. The war epic action movie, featuring a star-studded cast that includes Timothée Chalamet, Zendaya, Rebecca Ferguson, Josh Brolin, Austin Butler, Florence […]