• September 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Angel, ipinagdiinang ‘di kasapi ng ano mang terrorist group ang kapatid

MASAYA ang pamilya Colmenares sa pangunguna ni Angel Locsin dahil kaarawan ng kanilang bunsong kapatid na si Angelo pero nabahiran ito ng pagkabigla dahil may balitang lumabas na miyembro ng NPA at nakatalaga sa Quezon province ang isa niyang kapatid na si Ella Colmenares.

 

Idinamay kasi ang pangalan ni Ella ni Lt. Gen. Antonio Parlade nang pangaralan niya sina Liza Soberano at 2018 Miss Universe Catriona Gray, “The choice is yours Liza. And so with you Catriona. Don’t follow the path Ka Ella Colmenares (Locsin) took in the underground and NPA Quezon. I am sure Angel Locsin and Neri Colmenares will not tell you this.”

 

At para patunayang hindi totoo ang sinabi ng opisyal ay kaagad pinost ng aktres ang larawan nilang pamilya na magkakasama sa isang dinner na kasama rin ang mapapangasawa ni Angel na si Neil Arce.

 

Ang caption ng aktres, “Happy birthday sa bunso namin. With our controversial sister na nasa underground daw sa Quezon.”

 

Samantala, habang sinusulat namin ang balitang ito ay ni- repost nitong Biyernes ng umaga ni Angel ang post ng ate Ella niya tungkol sa red-tagging bilang pagtatanggol.

 

# N o T o R e d T a g g i n g #YesToRedLipstick

 

“To set the record straight, hindi po ako parte ng NPA or any terrorist group Neither my sister nor my kuya Neri is a part of the NPA or any terrorist group.

 

“We live in a country where our freedom to speak and express ourselves are enshrined and protected by the Constitution. May paniniwala ako, may paniniwala ka. At sa ilalim Ng Consitution, pareho tayong mayroon karapatan sa ating nga sariling paniniwala.

 

“Kung mag kaiba tayo, hindi ibig sabihin pwede mo na ako i- red tag. Hindi tayo magkakalaban dito. Hindi rin ako “red”. Magkaiba lang tayo ng paniniwala.

 

Nanawagan po ako sa kinauukulan, na itama po ang mali na ito. Tigilan na po ang red tagging. The statement made is utterly false and places ordinary citizens like us, those who they swore to protect, in danger.

 

“Nakakalungkot po isipin na dito napupunta ang malaking halaga na 19.3B, sa mga paratang na walang basehan at pananakot na red tagging. Sana ibigay na lang po sa ibang departamento ng AFP katulad ng medical reserve corps o pagtaas ng sweldo at pension ng mga sundalo natin. Malaking tulong rin po for purchasing vaccines or other covid response pro- grams. Many of our country men need financial assistance.

 

“Mga OFW na nawalan ng trabaho. Madaming mas nangangailangan ng pera ngayon. Sana doon na lang ilaan at sana doon ibuhos ang oras.

 

“I am also appealing to everyone to express support for those being red-tagged like Liza Soberano, Catriona Grey, and all the others just because they are expressing their beliefs peacefully

 

“By being vocal about my opinions and advocacies, I have always been attacked. Those I could ignore but this is a different level altogether. And so I have to speak up once again because this baseless and reckless red-tagging jeopardizes not only my safety, but also the safety of my sister and our family.” (REGGEE BONOAN)

Other News
  • PBBM, pinalakas ang partnership sa World Food Programe para labanan ang malnutrisyon sa Pinas

    MAS PINALAKAS pa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang partnership ng Pilipinas at World Food Programme (WFP) bilang bahagi ng pagsisikap ng administrasyon na labanan ang malnutrisyon at pagkagutom sa Pilipinas.     Sa naging talumpati ng Pangulo, sinabi nito na palaging bukas ang pamahalaan na magpartisipa sa anumang pagsisikap ng WFP na makatulong […]

  • Pascual mag-iiwan ng bakas

    DUMADALANGIN si San Beda High School Red Cubs team captain Jose Miguel Pascual  na maidaraos ang 96th National Collegiate Athletic Association (NCAA) juniors boys basketball tournament 2020-21 upang maging makulay ang pag-eksit niya   Huling taon na 19 na taong gulang at 5-11 ang taas na point guard para sa Mendiola-based squad dahil magtatapos na siya […]

  • Clinical trials walang garantiyang mauuna ang PH sa bakuna vs COVID

    Walang kasiguraduhang unang makakakuha ang bansa sa bakuna kontra coronavirus disease 2019 o COVID-19 kahit pa may partisipasyon nito sa mga gagawing clinical trials. Ayon kay Department of Science and Technology Council for Health Research Development executive director Jaime Montoya, nakatanggap na sila ng paunang datos sa bakunang binuo ng Russia at inaasahang malalaman ngayong […]