ANGELICA, inamin na hindi kumportable sa malulusog na boobs
- Published on October 10, 2020
- by @peoplesbalita
HINDI raw kumportable si Angelica Panganiban sa kanyang boobs at inamin nga niya ito.
Wish niya na sana’y mas maliit na lang daw ito.
Isa si Angelica sa ating mga well-endowed actresses at as- set niya nga ito, actually. Little did we know na hindi pala siya proud dito.
“Eversince bata ako, insecurity ko siya,, eh,” pag-amin ni Angelica sa episode 2 ng kanyan digital show na ‘Ask Angelica.’
“Parang mas una kasi akong nag-mature sa. . . physically. Mas unang lumaki ‘yung boobs ko kaysa iba kong kasabayan,” sabi niya.
Kaya ang feeling daw niya noon ay parang out of place siya at gusto nga niyang itago ang kanyang boobs.
“Parang na-out of place ako, parang ‘bakit ganito? Bakit hindi naman ganu’n katulad ng sa iba kong mga kaibigan?’ Kaya lagi akong naka-slouch kasi gusto ko siyang parang itago. Gusto ko nu’n, mahaba ‘yung hair ko para natatakpan siya. So, hindi talaga ako kumportable sa kanya eversince,” sey pa ni Angge.
Napunta ang usapan sa boobs dahil sa isang netizen na humihingi ng advice dahil flat-chested siya.
Tinanong naman ni Angelica ang guest niyang si Ivana Alawi kung mas gusto rin ba nito ang maliit na boobs.
“Actually, hindi ko maintindihan kung malaki ba siya or maliit,” natatawang sabi ni Ivana.
“Kasi, parang cup B lang talaga siya. It’s not naman double D or. . .cup B lang ako. Kaya actually, ayokong nagba-bra kasi lalo siyang lumalaki,” sabi ni Ivana.
Natanong nga rin ang sexy star kung ilan ang bra niya at sey niya, “dalawa, pramis, 8 years na ‘yung bra ko.”
Kaloka! (Rose Garcia)
-
Briones, ikinalugod ang posibilidad na pag-upo ni Sara Duterte bilang DepEd chief
WELCOME kay incumbent Education Secretary Leonor Briones ang posibilidad na pangunahan ni vice presidential candidate Davao City Mayor Sara Duterte ang Department of Education (Deped). Inanunsyo kasi ni presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang “eventual Cabinet post” ni Duterte sa ilalim ng kanyang “eventual administration.” Kapwa nanguna sina Marcos at […]
-
Go with the flow na lang sila ni Mikael: MEGAN, ‘di nilalagyan ng date kung kailan mabubuntis
MAHIGIT tatlong taon ng mag-asawa sina Megan Young at Mikael Daez, January 25, 2020 sila ikinasal, kaya naman hanggang ngayon ay inaabangan pa rin ng publiko kung kailan sila magkakaroon ng anak. “Eto na… hintayin niyo pa lalo,” ang bulalas ni Megan. “Hindi mo nilalagyan ng date ang mga ganyan, nangyayari lang talaga. […]
-
Unemployment rate bumaba sa 10% nang luwagan ang lockdown
Milyun-milyong Pilipino ang nabawi ang kani-kanilang mga trabaho sa muling pagbubukas ng ekonomiya sa gitna ng pandemya dulot ng coronavirus disease (COVID-19) noong Hulyo, ayon sa bagong datos na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA), Huwebes. Lumalabas sa ulat ng gobyerno na 10% ng Pilipinong parte ng labor force, o mga taong naghahanap ng trabaho, ang […]