Angelo Nicolas Almendras, NU Bulldogs lumapit sa walis-titulo
- Published on November 29, 2022
- by @peoplesbalita
UMANGAS si Angelo Nicolas ‘Nico’ Almendras upang akbayan ang National University sa 25-19, 25-21, 25-19 panalo kontra University of Santo Tomas sa Game 1 best-of-three finals ng 14th V-League 2022 Men’s Collegiate Challenge Linggo ng hapon sa Paco Arena sa Maynila.
Tumikada si Almendras ng 13 points kasama ang 14 excellent receptions para isampa ang Bulldogs sa 1-0 lead ng torneo na pinatatakbo ng Sports Vision at mga suportado ng Asics, Beyond Active Wear at Mikasa.
Nag-ambag pa sina Michaelo Buddin at Kennry Malinis ng tig-11 puntos para sa Bustillos-based squad na lumapit sa pagwali sa kampeonato.
“Maganda ang pinakita ng mga bata namin. Kita naman sa endgame, nakuha namin ang mga gusto naming mangyari like yung blocking, opensa namin, lahat nagtutuloy-tuloy,” suma ni Bulldogs coach Dante Alinsunurin.
Kumana sina Jay Rack Dela Noche at Ybañez ng tig 10 pts. para sa Tiger Spikers pero nakapagpakawala ng 27 errors ang kampo.
Kumana naman ng walong puntos si Gboy De Vega para sa balibolista ng España na kailangan manalo sa Game 2 para makahirit ng winer-take-all.
“Importante agresibo kami. Pagtatrabahuhan pa rin namin sa practice at tuloy tuloy pa rin ang ginagawa namin,” sey pa ni Alinsurin.
Sa Miyerkoles ng alas-2:00 ng hapon ang Game 2. (CARD)
-
Barangay health workers gagawing kawani ng gobyerno
Magiging kawani na ng gobyerno ang mga Barangay Health Workers o BHW’s sa ilalim ng panukala na inihain ni dating Speaker Alan Peter Cayetano, Taguig Congw.Lani Cayetano at mga miyembro ng Back to Service o BTS bloc sa Kamara. Nais nina Cayetano at ng kanyang grupo na masuklian ng sapat na insentibo at […]
-
‘House-to-house’ visits vs COVID-19 case ipatutupad
Posibleng magpatupad ang gobyerno ng “house to house” visits kung kinakailangan para madala agad sa isolation facilities ang mga COVID-19 patients. Sinabi ni National Task Force (NTF) against COVID-19 spokesman Retired Maj. Gen. Restituto Padilla na ngayong nasa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) ang National Capital Region (NCR), Cavite, Bulacan, Laguna at […]
-
Marcial ingat na magkasakit
DESIDIDONG makasungkit ni Eumir Felix Marcial ng unang ng gold medal ng Pilipinas sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na inurong lang sa parating na Hulyo 23-Agosto 8 sanhi ng pandemya. Kaya triple ang pag-iingat niyang ginagawa upang mapanatiling mabuti ang kalusugan at hindi maudlot ang paghahanda sa nasabing pinakamalaking paligsahan […]