Asawa ni dating Palace spox Harry Roque, wala na sa Pinas- BI
- Published on October 16, 2024
- by @peoplesbalita
KINUMPIRMA ng Bureau of Immigration (BI), araw ng Martes na ang asawa ni dating presidential spokesperson Harry Roque Jr. na si Mylah Roque ay wala sa Pilipinas.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon briefing, sinabi ni BI spokesperson Dana Sandoval na umalis ng bansa si Mrs. Roque patungong Singapore noong Sept. 3.
“Her lookout bulletin was issued on Sept 16, so she is not in the country right now,” ang sinabi ni Sandoval.
Sa kabilang dako, sinabi ni Sandoval na base sa kanilang data, si Harry Roque ay nananatili pa rin sa bansa.
“While former spokesperson Harry Roque has no recent departure as per our record and he has an immigration lookout bulletin (ILBO) which was issued on Aug. 6,” aniya pa rin.
Sa ulat, ang asawa ni Roque ay ‘cited for contempt’ ng House of Representatives Quad Committee, ipinag-utos ang pag-aresto sa kanya matapos na mabigo itong tugunan ang subpoena mula sa panel.
Iniimbestigahan kasi ng komite ang pagkakaugnay ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa illegal drug trade at extra-judicial killings sa ilalim ng nakalipas na administrasyon.
Samantala, sinabi naman ng Philippine National Police (PNP) na patuloy na nagsisikap ang tracker teams nito para hanapin si Harry Roque.
“We are encountering some challenges but we are not giving excuses, what we can give right now is our commitment. We will not stop looking for Atty. Roque but also for other wanted personalities,” ang sinabi ni PNP spokesperson Brig. Gen. Jean Fajardo sa isang panayam. (Daris Jose)
-
Velasco nasa likod ng “ouster plot” – Cayetano
Tahasang ibinuking ni House Speaker Alan Peter Cayetano na Chairmanship sa ilang Committee sa Kamara at budget allocation ang ipinapangako ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco sa mga mambabatas sa harap ng usapin ng kudeta laban sa kanyang pamumuno. Ayon kay Cayetano, “verified” umano ang report ukol sa tangkang pagpapatalsik sa kanya bilang House […]
-
Tinanggihan ang offer na new timeslot: ‘It’s Showtime’, babu sa TV5 at lilipat na sa GTV sa July 1
NAGLABAS na ng official statement ang ABS-CBN sa pagtatapos ng kontrata ng “It’s Showtime” sa TV5 sa June 30 at uukupahin na ang noontime slot ng bagong show ng TVJ. “Taos-pusong nagpapasalamat ang ABS-CBN kay TV5 Chairman Manny Pangilinan para sa kanyang pagsuporta sa ABS-CBN at sa paghahatid ng “It’s Showtime” sa mas maraming manonood […]
-
Zarate, ginagamit di umano ang perang kinokolekta ng NPA para pag-aralin ang anak sa Europa
INAKUSAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Bayan Muna Representative Carlos Zarate nang paggamit ng pera na kinolekta ng New People’s Army para bayaran ang pag-aaral ng kanyang anak sa Europa. Sa public address ni Pangulong Duterte, Lunes ng gabi ay sinabi nito na duda siya kung paano napag-aral ni Zarate ang kanyang anak sa […]