• April 25, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Athletes na lalahok sa Tokyo Olympics sana mabakunahan muna – IOC

Target ngayon ng International Olympic Committee (IOC) na mabakunahan kontra COVID-19 ang mga atletang sasabak sa kompetisyon para matuloy nang ligtas ang Tokyo Games sa darating na Hulyo.

 

Bagama’t ayaw sumingit ng IOC sa listahan nang kung sino ang dapat na maturukan ng COVID-19 vaccines gaya ng mga napapabilang sa vulnerable sector at health care workers, umaasa silang sa lalong madaling panahon ay mabakunahan din ang mga atletang sasabak sa Olympic Games sa Tokyo.

 

Ito ay sa gitna na rin nang pagkakatuklas sa mga bagong variants ng COVID-19 sa iba’t ibang panig ng mundo, pati na rin ang pagtaas ng kaso sa Japan.

 

Ayon kay IOC member Dick Pound, ang pagpapabakuna sa mga atleta ang siyang “most realistic way” para matiyak na matuloy nang ligtas ang Tokyo Olympics sa Hulyo.

 

Hindi naman daw niya nakikita na magkakaroon ng public outcry o pagpuna sakali mang matuloy ang pagbabakuna sa mga atleta.

 

Sa huli, desisyon pa rin aniya ito ng bawat bansang lalahok sa kompetisyon.

 

Nauna nang hinimok ni IOC president Thoms Bach ang mga atleta na magpaturok muna ng COVID-19 vaccine bago sumali sa Tokyo 2020 Games pero iginiit na hindi naman ito magiging requirement.

Other News
  • Gilas Pilipinas nakaabang sa IATF approval

    MINAMADALI na ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang mga requirements upang mabilis na makuha ang go signal ng Inter-Agency Task Force (IATF) para sa pagbabalik-ensayo ng Gilas Pilipinas.   Gahol na sa oras ang Gilas Pilipinas dahil halos isang buwan na lamang ang nalalabi bago ang FIBA Asia Cup Qualifiers na idaraos sa Nobyembre. […]

  • ‘Wag lang magkuripot Alaska Milk: Manuel handang patali

    MAAARI pa ring magpapako sa Alaska Milk ang naghihimagsik na si Victorino ‘Vic’ Manuel basta’t huwag lang magkuripot sa kanya ang Aces sa panibagong kontrata umpisa sa 46th Philippine Basketball Association (PBA) 2021 Philippine Cup sa Abril 9.   Namutawi ito sa 33-taong-gulang, may 6-4 ang taas at tubong Licab, Nueva Ecija sa pagdalo sa Sports […]

  • Mekaniko kalaboso sa 3 nakaw na motorsiklo

    KULONG ang isang mekaniko matapos makumpiska sa kanya ang tatlong nakaw na motorsiklo sa isinagawang Simultaneous Enhanced Managing Police Operation (SEMPO) ng pulisya sa Caloocan city, kamakalawa ng gabi.   Kinilala ni Northern Police District (NPD) Director P/ Brig. Gen. Ronaldo Ylagan ang naarestong suspek na si Neilmar Sinepete, 24 ng Phase 7-B, Block 1, […]