BAGO GAWING REQUIREMENT ng LTFRB ang PAGTATANIM ng PUNO ay UNAHIN MUNA na PABILISIN ang pag PROSESO ng PAGKUHA ng PRANGKISA, AT IBA PA!
- Published on November 26, 2020
- by @peoplesbalita
Inulan ng batikos ang LTFRB sa bagong direktiba nito na magtanim muna ng puno bago makakuha ng prangkisa. Tuloy ang akala ng iba ay naisailalim na ng DENR ang LTFRB at wala na sa DOTr.
Pero kami sa Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) wala naman kaming nakikitang masama sa direktibang ganito ng LTFRB. Marahil ay ito ang isang nakitang paraan ng mga kasalukuyang namumuno sa LTFRB na maaring maiambag ng ahensya tungkol matapos na maranasan ng bansa ang epekto ng matitinding bagyo na nagdulot ng baha sa ilang parte ng Pilipinas.
Itinanong namin sa ilang operator kung handa sila mag tree-planting at wala naman daw problema. Pero ang isang malaking statement nila – WALANG PROBLEMA NAMAN ANG MAGTANIM PERO PAKIBILISAN LANG NILA ANG PROSESO NG MGA PAPELES SA LTFRB.
Huwag naman nila kalimutan ang mandatong trabaho nila! Baka naman kasi kung sakaling magtanim nga ang mga nire-require na magtanim ay baka malalaki na ang mga puno at namunga na ay wala pa rin ang prangkisa na kanilang inaplayan.
Maganda naman ang layunin ng pagtatanim ng puno pero baka maging kasingtagal ng paglaki ng mga puno ang proseso sa LTFRB. Huwag naman itong maging mas malaking biro. Pero bago sana magdagdag ng requirements ay tingnan muna kung ito ay makakatulong o mas makadadagdag lamang sa pasakit sa mga may transaksyon sa LTFRB.
May mga ‘dropping’ at ‘substitution’ na inaabot ng taon ang resolusyon kaya tuloy naluma na yung mga bagong sasakyan na dapat humalili sa phase out ay hindi pa nakaka-byahe.
Ilan kayang application for new franchise ang nagkakalumot na at tinutubuan na ng kung anu-ano at di pa kumikilos – mga for resolution na mga kaso, at iba pa. Kung ang pagtatanim ng puno ang magpapabilis sa mga proseso sa LTFRN, ay walang problema! Bakit hindi. Anong klaseng mga puno ba ang gusto nila at saan-saan itatanim! Siguradong makikiisa ang mga aplikante sa LTFRB kung magiging mas mabilis nga ang transaksyon nila pag nagtinim sila ng mga puno.
Pero kung hindi naman ay huwag na! At baka sama ng loob lang ang maitanim sa bagong direktiba ng ahensya. Hindi biro ito. Sana linawin ng ahensya ang mga prayoridad nito at maging mas sensitibo naman sa pangangailangan ng mamamayan. (ATTY. ARIEL ENRILE-INTON)
-
PCSO kasado na sa pamamahagi ng ayuda
TINIYAK ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na handa na sila sa pamamahagi ng relief goods para sa mga taong maaapektuhan ng bagyong Betty. Kasunod ito sa direktiba ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa lahat ng kinauukulang ahensya na kailangan maghanda para sa malawakang operasyon ng pagtulong sa mga lugar na maaapektuhan […]
-
System reconciliation tinutugunan, accounts ligtas — GCash
Ilang GCash users ang apektado ng errors sa isinasagawang system reconciliation process. Ayon sa GCash, ang insidente ay isolated sa ilang users, at tinitiyak nila sa kanilang mga customer na ligtas ang kanilang mga account. “We have identified and reached out to affected accounts. Wallet adjustments are ongoing,” sabi ng GCash […]
-
Mayor Tiangco: Covid-free pa rin ang Navotas
SA kabila ng mga tsismis na naglipana online, tiniyak ni Mayor Toby Tiangco sa mga residente ng Navotas na wala pa ring kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID19) sa lungsod. Nilinaw ni Tiangco na ang lungsod ay may 13 na persons under monitoring (PUM) sa ngayon, 11 March, at lahat sila ay sumasailalim […]