• November 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bagong layang tulak, balik selda

BALIK kulungan ang isang drug pusher na dati nang naaresto dahil din sa pagbebenta ng ilegal na droga matapos muling masakote sa isinawang buy- bust operation ng mga pulis sa Caloocan city, kamakalawa ng gabi.

 

Kinilala ni Northern Police District (NPD) Director P/Brig. Gen. Ronaldo Ylagan ang naarestong suspek na si William Tutor, 43, (watchlisted) ng 164 J. Ramos St. Brgy. 7, ng lungsod.

 

Ayon kay DSOU chief PLTCOL Giovanni Hycenth Caliao I, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) hinggil sa pagbebenta umano ng suspek ng illegal na droga kaya’t nagsagawa ang mga ito ng buy- bust operation sa pangunguna ni P/Capt. Ramon Aquiatan Jr. kontra kay Tutor sa kanyang bahay alas-7 ng gabi.

 

Isang undercover pulis na nagpanggap na poseur-buyer ang nagawang makapagtransaksyon sa suspek ng P12,000 halaga ng shabu at nang tanggapin ni Tutor ang marked money kapalit ng droga ay agad siyang dinamba ng mga operatiba.

 

Nakumpiska sa suspek ang aabot sa 60 gramo ng shabu na may standard drug price P408,000 ang halaga, buy-bust money na kinabibilangan ng 1pc tunay na P1,000 at 11 pcs P1,000 boodle money, digital weighing scale at cellphone.

 

Ani P/Capt. Aquiatan Tutor ay dati nang naaresto ng mga awtoridad dahil din sa pagbebenta ng illegal na droga noong Marso 6, 2015 at nakalabas ito nitong nakaraang February 27, 2020. (Richard Mesa)

Other News
  • Efficacy rate ng Sinovac at SinoPharm, pasok sa benchmark ng WHO- Malakanyang

    PASOK sa benchmark ng World Health Organization (WHO) ang Sinovac at SinoPharm kasunod nang agam agam na mababa ang efficacy rate ng mga bakuna na galing China sa kabila ng mahal nitong presyo. Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi naman totoong mababa ang efficacy rate ng Sinovac at SinoPharm dahil ang 50%efficacy rate […]

  • Pinas naghahanda sa suplay ng oxygen

    Naghahanda ang Department of Health (DOH) sa posibilidad ng pagkakaroon ng panibagong ‘surge’ sa mga kaso ng COVID-19 dahil sa Delta variant kung saan nangangailangan ng mas maraming suplay ng oxygen.     Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na mula nang magkaroon ng surge sa India ay nakaalerto na sila at naghahanda na […]

  • 12-anyos na estudyante natagpuang patay sa Malabon

    PALAISIPAN sa mga awtoridad at sa pamilya ng 12-anyos na Grade 6 student na natagpuang patay habang may nakapulupot na lubid ng duyan sa leeg sa loob ng kanilang bahay sa Malabon City.     Dakong alas-7 ng gabi noong sabado nang madiskubre ang bangkay ng 12-anyos na estudyante sa loob ng kanyang silid sa […]