• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bagong LTO chief tutukan ang license plate backlog

ANG BAGONG talagang chief ng Land Transportation Office (LTO) ay nangako na tutukan ang backlog ng mga license plates sa harap ng mga opisyales at empleyado ng ahensiya noong nakaraang Lunes.
“The license plate backlog and the issue of funding are an unending cycle of problems in the LTO. We will do a thorough review and then put accountability. Who is at fault here? Somebody should be made accountable. I am here to fix the problem in one year, the better,” wika ni LTO assistant secretary Vigor Mendoza II.
Pormal nang nagsimula sa panunungkulan si Mendoza kahapon. Ayon sa kanya ay hihingi siya ng pagliliwanag sa mga taong sangkot sa problema tungkol sa backlog ng mga license plates matapos ang gagawing pagtukoy sa mga problema.
Sinabi ng Commission on Audit (COA) sa kanilang report na may 1.7 million na license plates ang hindi pa nadedeliver.
“We have a backlog of 1.8 million motor vehicle license plates. If the data is correct the backlog should be addressed already. If there is a shortage, it should be minimal as far as motor vehicle license plates are concerned. We need really to look into why this happened. I want to know the exact number – how many is the backlog and how many are undelivered,” dagdag ni Mendoza.
Saad pa ni Mendoza na gagamitin niya ang private stakeholders upang maging isang “mystery customers” upang malaman ang katangian ng mga serbisyo na bininibigay sa mga iba’t ibat LTO district offices.
“These mystery customers will go to the LTO district and extension offices so that they will know the time being consumed in getting licenses. We want to reduce the timeline,” sabi ni Mendoza.
Tinitingnan rin niya kung puwedeng gayahin ang sistema katulad sa pagkuha ng passport. “I am considering adopting the process of getting a passport so that we can prevent long lines. We can schedule the application to minimize the waiting time. This is something we would to review, when it comes to driver’s license application,” pagliliwanang ni Mendoza.
Dagdag pa ni Mendoza na gusto sana niya na maayos na ang backlog sa lalong madaling panahon sapagkat tapos na ang bidding na ginawa ng Department of Transportation (DOTr).
Sinabi rin ni Mendoza na may maganda silang working relationship ni DOTr Secretary Jaime Bautista. Ang dating LTO chief na si Jay Art Tugade ay nabalitang may  differences sa kanyang working relationship kay Bautista ng siya pa ang namumuno sa ahensiya.  LASACMAR
Other News
  • 7 arestado sa buy bust Valenzuela

    Pitong hinihinalang sangkot sa ilegal na droga ang natimbog ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa magkahiwalay na buy bust operation ng sa Valenzuela city.     Ayon kay SDEU investigator PCpl Pamela Joy Catalla, dakong 10:45 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni […]

  • Abueva, Banchero palitan patas – Victolero, Robinson

    PASOK si Calvin Abueva sa small-ball rotation ng Magnolia Hotshots, may back-ap na si Matthew Wright sa Phoenix Super LPG sa 46th Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup 2021 sa parating na Abril 9.     Pasado sa pro league trade committee ang swap kamakalawa na naghatid sa The Beast sa Pambansang Manok buhat sa […]

  • 2 binata timbog sa marijuana

    KALABOSO ang dalawang binata matapos makuhanan ng marijuana makaraang masita ng mga pulis na nagpapatupad ng city ordinance sa Lungsod ng Navotas.   Kinilala ni Navotas Police Sub-Station 3 Chief P/Capt. Cyril Lawrence Tubongbanua ang naarestong mga suspek na si Rodelson Roxas, 21 ng Longos, Malabon at Raymart Senolos, 21 ng Dagat-Dagata, Navotas.   Sa […]