• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Baryang nakolekta ng BSP sa coin deposit machines, higit P115 milyon na!

UMAABOT na sa mahigit P115 milyon ang halaga ng mga barya na nakolekta ng kanilang mga coin deposit machines (CoDMs).

 

 

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), hanggang noong Oktubre 6, aabot sa lagpas 44 milyong mga barya ang naideposito sa mga CoDMs.

 

 

Pumalo naman sa 42,386 ang dami ng mga transaksyong naisagawa sa mga makina.

 

 

Sa kasalukuyan, nasa 25 ang CoDMs ng BSP.

 

 

Ang mga ito ay matatagpuan sa iba’t ibang lugar sa Greater Manila Area, kabilang na ang mga malls.

 

 

Nauna nang sinabi ng BSP na target nilang paramihin pa ang mga makina, dahil sa pagtangkilik dito ng ating mga kababayan.

 

 

Ang mga baryang maidedeposito sa mga CoDMs ay make-credit sa e-wallets gaya ng GCash at Maya, o di kaya ay maaaring ma­ging shopping vouchers.

Other News
  • Kamara umaasang hindi na mabi-veto ang SIM Registration Bill

    UMAASA  ang liderato ng Kamara na hindi ma-veto ang SIM Registration Bill, matapos niratipikahan na ng Kamara ang Bicameral Conference Committee report ng panukapang SIM Registration Bill na nag-uutos na irehistro ang lahat ng Subscriber Identity Module o SIM card.     Ayon kay Speaker Romualdez, kanilang inaaasahan na ang SIM Registration Act ang kauna-unahang […]

  • Ikalawang batch ng MRT-7 trains kinabit sa rail tracks

    Kinabit at nilagay ng San Miguel Corp. (SMC) ang ikalawang batch ng Metro Rail Transit Line 7 (MRT7) ang mga bagong trains sets sa rail tracks nito.       “Work continues non-stop on the MRT-7 project so we can meet our target start of operations by end of next year. I am glad to […]

  • No vaccine, no participation! –Vietnam

    Kailangan nang mabakunahan ang mga miyembro ng Team Philippines na lalahok sa darating na 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam sa Nobyembre.     Ito ay matapos mag-isyu ang Vietnam SEA Games Organizing Committee ng ‘no vaccine, no participation” policy sa lahat ng bansang sasabak sa b­iennial event na nakatakda sa Nobyembre 21 hanggang […]