• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Basas sa PLDT na papalo

SA PLDT Home Fibr Power Hitters na hahambalos sina Toni Rose ‘Chin’ Basas, Christine Joy ‘Eli’ Soyud, Mariella ‘Yeye’ Gabarda at Maria Nieza Viray.

 

 

Pumuwersa ang koponan sa pagpasok nina 5-foot-10 opposite spiker Soyud, 5-foot-8 opposite hitter Basas at 5-foot-10 middle blocker Gabarda na mga naging veteran free agent at mga huling naglaro sa Generika-Ayala Lifesavers. Sa Chef’s Classic huling humataw si Viray.

 

 

“Malaking bagay sila kasi mga experience na, malaking maitutulong sa amin. Sa mga pinanggalingan nilang team, nagagamit sila at malaki ‘yung nakuha nila na exposure dun,” suma ni Fibr coach Rogelio ‘Roger’ Gorayeb.

 

 

Hinirit pa niyang, “Sana mabitbit nila ‘yun sa amin, talagang mapi-fill nila ‘yung gap na nawala sa amin plus malalaki pa sila at mga bata pa.”

 

 

Lilipat na rin ang Power Hitters mula sa semi-professional Philippine SuperLiga (PSL) patungong pro Premier Volleyball League (PVL) na magka-Calambubble training camp sa Inspire Sports Academy sa Laguna sa Abril.

 

 

Kaya nagsilbing huling laro na nito sa 8th PSL Grand Prix 2020 noong Marso na napurnada dahil sa COVID-19. (REC)

Other News
  • Mag-ama timbog sa drug bust sa Valenzuela

    MAGKASAMANG isinelda ang mag-amang sangkot umano sa pagtutulak ng ilegal na droga matapos maaresto sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City.     Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr ang naarestong mga suspek na sina alyas “Jun”, 47, machine operator at kanyang anak na si “Jayvee”, 21, kapwa ng […]

  • PDu30, iginiit ang Asia-Europe partnership para sa mas malakas na socioeconomic recovery

    IGINIIT ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagtutulungan ng Asya at Europa para sa inclusive socioeconomic recovery base sa prinsipyo ng “justice, fairness, and equality” upang matugunan ang hamon na bitbit ng coronavirus (COVID-19) pandemic.   Inihayag ito ni Pangulong Duterte sa Second Plenary Session ng 13th Asia-Europe Meeting (ASEM) Summit sa Malakanyang, araw ng […]

  • PDu30, ipinagmalaki na bumaba ng ilang milyon ang bilang ng mga durugista

    IPINAGMALAKI ni Pangulong Rodrigo Duterte na bumaba ng ilang milyon ang bilang ng mga drug users o durugista sa bansa sa ilalim ng kanyang administrasyon.   Iyon ay sa kabila ng kanyang pag-amin na nananatili ang Pilipinas “in the thick of the fight against shabu.”   Sa public address ng Pangulo, Lunes ng gabi ay […]