• July 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

BATAS para sa MOTORCYCLE-TAXIs at DELIVERIES NAPAPANAHON NA!

MAHALAGANG bahagi na ng transportasyon ang mga motorcycle-taxis at deliveries.  At napapanahon na para magkaroon ng batas para sa ligtas at epektibong serbisyo nito sa tao.

 

 

Sa kasalukuyan ay pinapayagan ng DOTr ang motorcycle-taxis sa ilalim ng tinatawag na pilot-test run. Pero sa Kongreso ay may pumasa nang Panukalang Batas para sa regulasyon nito kaya lang ay hindi nakarating sa Malacañang para mapirmahan ng Pangulo.

 

 

Sa mahabang panahon na nasa pilot-testing ang pamamasada ay siguradong may konkretong report na para mapagbasehan ng Kongreso para tuluyan nang maisabatas ito.

 

 

Sa ngayon kasi ang sabi ng LTO ang two wheel vehicle o motorsiklo ay maaari lamang iparehistro bilang pribadong sasakyan at hindi for-hire liban na lamang kung may side car o yung mga tricycle.

 

 

Bagama’t ang posisyon ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) dito ay – maari irehistro na for-hire kung may Department Order at mas mainam nang may batas na babasehan.

 

 

Ito ang panawagan ng LCSO na i refile na agad ang motorcycle-taxi bill upang maisabatas na ito.

 

 

Kasabay nito ay regulasyon din para sa mga motorcycle deliveries para may proteksyon ang riders, customers at maibatas din ang mga pananagutan ng mga providers at kumpanyang pinagsisilbihan ng mga riders kung kinakailangan.

 

 

Nararapat lamang ito dahil noong kasagsagan ng lockdown ay naging mahalagang frontliners ang mga delivery riders upang maihatid ang pangangailangan ng mga tao at umikot ang ekonomiya.

Other News
  • 4 patay, 5 sugatan sa salpukan ng bus vs van

    APAT ang patay habang lima ang sugatan sa salpukan ng isang van-for-hire at ng isang bus sa Barangay Estaca, sa bayan na ito kahapon (Biyernes) ng madaling araw.   Ayon sa imbestigasyon ng Compostela Police Station, galing Daan bantayan ang van at papunta na sanang Cebu City ng mabangga nito ang bus na papuntang Northern […]

  • PDu30, nagsagawa ng aerial inspection sa mga lugar na tinamaan ng bagyong Auring sa Surigao del Sur

    NAGSAGAWA si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng aerial inspection  sa mga lugar na tinamaan ng bagyong Auring sa Tandag, Surigao del Sur.   “Weather-permitting, the President intends to visit para mabilis din iyong aksyon kapag may nakita siya na mga gaps or kailangan pang gawin over and above what is already being done by government,” ayon […]

  • Bayanihan 3 Relief Package Bill, pasado na sa 2nd reading – Cong. Tiangco

    MASAYANG inanunsyo ni Navotas Congressman John Rey Tiangco na pasado na sa ikalawang pagbasa sa House of Representatives ang “Bayanihan to Arise as One Act” o “Bayanihan 3 Relief Package Bill”.     Ayon kay Cong. Tiangco, bilang co-author ng panukalang batas na ito ay batid niya na maghatid ng ayuda sa bawat Pilipino at […]