Benepisyaryo ng 4PS na nais magpabakuna, dumami – DSWD
- Published on November 12, 2021
- by @peoplesbalita
Matapos pagbantaan na hindi makatatanggap ng kanilang benepisyo, mas marami nang benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang nais nang magpabakuna kontra COVID-19.
Inamin mismo ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Assistant Secretary Glenda Relova na marami talagang 4Ps beneficiary ang takot na magpabakuna dahil sa sabi-sabing masamang epekto. Pero napaliwanagan na umano sila sa ginanap na mga pagpupulong na isinagawa ng DSWD.
“Prior to our vaccination program, meron talagang ano, hesitancy and fears ang ating mga benepisyaryo. Ito ay napag-alaman namin based on the survey namin bago tayo nagkaroon ng bakuna,” ayon kay Relova.
Nagsagawa umano ang DSWD ng ibayong ‘information drive campaign’ para mabigyan ang mga benepisyaryo ng tamang impormasyon ukol sa mga benepisyo ng pagpapabakuna.
Aabot na umano sa 526,000 benepisyaryo ang nakapagpabakuna kontra COVID-19.
“It is also worthy to note na ang ating mga 4Ps ay kabilang sa ating A5. So nagsisimula palang tayong mag-rollout dito sa sector ng A5 so baka pagka nagkaroon tayo ng massive rollout, tataas pa po itong figures na ito,” paliwanag pa ni Relova. (Gene Adsuara)
-
Mga bagets, mabibigyan ng Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccines
TINIYAK ng Malakanyang na mabibigyan ng Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccines ang mga teenager o mga bagets sa oras na maging available na ang suplay. Ang pahayag na ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque ay matapos na ihayag ng Philippine Food and Drug Administration (FDA) na nakatakdang i- modify o baguhin ang emergency use authorization (EUA) […]
-
Castro, pinaigting ang pagpapatupad ng panlalawigang ordinansa ukol sa labis na kargang trak at proteksiyon ng kapaligiran
MAHIGPIT na ipinatutupad nina Gob. Daniel R. Fernando at Bise Gob. Alexis C. Castro ang kanilang direktiba kaugnay sa istriktong implementasyon ng panlalawigang ordinansa laban sa sobra-sobrang karga ng trak at proteksyon sa kapaligiran sa ginanap na pulong sa Balagtas Hall sa Hiyas ng Bulacan Convention Center dito kamakailan. Ipinaalala ni Fernando sa […]
-
Sotto nagningning para sa 36ers
MAS maganda ang inilaro ni Kai Sotto sa kanyang third game sa Adelaide 36ers. Subalit hindi pa rin ito sapat para tulungan ang kanyang tropa matapos lasapin ng Adelaide ang 89-100 kabiguan sa kamay ng Illawarra sa 2021-22 Australia National Basketball League na ginanap sa WIN Entertainment Centre. Nakalikom ang 7-foot-3 […]