• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bianca, Ardina, Guce babawi sa Marathon

Walang ibang nasa utak sina Bianca Pagdanganan, Dottie Ardina at Clariss Guce kundi makaresbak sa US$1.7M Marathon Classic sa Agosto 6-9 sa Highland Meadows Golf Club sa Sylvania, Ohio.

 

Buhat ang tatlong Pinay professional golfer – Pagdanganan sa 12-way tie sa 28th place na may $6,862 (P337,000) cash prize, Guce sa 3-way tie sa 64th na may $2,249 (P110,000) at Ardina na mintis sa cut kaya setlog sa kalapit lang na  Inverness Club Golf Club sa Toledo, ang pinagdausan ng US$1M Ladies Professional Golf Association (LPGA) Drive On Championship nitong Hulyo 31-Agosto 2.

 

Mala-akyat Mt. Everest man, nakikipagkarera ng ranking points sina Pagdanganan, 22, Ardina, 26, at Guce, 30, sa paghahabol sa 32nd Sumer Olympic Games 2020 na itinakda sa Hulyo 2021 sa Tokyo, Japan.

 

Ang isa pang may kagayang nilang misyon ay ang kumakampanya sa mayaman ding LPGA Japan Tour na si reigning Asian Games champion Yuka Saso, 19. (REC)

Other News
  • Ads September 25, 2021

  • PBBM, lumikha ng Inter-Agency Committee para sa Right-of Way Activities para sa Railway Projects

    LUMIKHA si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng isang Inter-Agency Committee for Right-of Way (ROW) Activities para sa National Railway Projects para i- streamline ang proseso ng land acquisition na kailangan para sa implementasyon ng lahat ng railway projects sa bansa.     “The Inter-Agency Committee for ROW Activities for National Railway Projects (Committee) is […]

  • PNPA, extended ang lockdown

    Palalawigin pa ang lockdown na umiiral sa Philippine National Police Academy (PNPA) sa Silang, Cavite.   Kasunod ito ng panibagong 232 cadets at 11 personnel ng Camp Castañeda na nagpositibo sa COVID-19 test.   Ayon kay PNP Academy spokesperson Lieutenant Colonel Byron Allatog, pawang asymptomatic ang mga ito, ngunit kailangan pa ring obserbahan at bigyan […]