• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Big challenge ang paggamit ng Danish language: GERALD, magbabalik bilang Thuy sa ‘Miss Saigon’ sa Denmark

BALIK ‘Miss Saigon’ si Gerald Santos as Thuy pero this time sa Miss Saigon edition ng Denmark which goes onstage next year

 

Unang ginampanan ni Gerald ang role ni Thuy sa ‘Miss Saigon UK’ International Tour noong 2017 to 2019.

 

In fact, he has logged 553 performances as Thuy, pinakarami sa lahat ng nag-portray ng nasabing role sa Miss Saigon based sa mga recent productions ng pamosong award-winning musical.

 

Malaking bagay ang nagawa sa career ni Gerald sa pagganap niya as Thuy. Bihirang dumating ang pagkakataon tulad nito.

 

Masayang-masaya si Gerald na siya ay muling napili para gampanan ang role ni Thuy.

 

Pero takot daw siya dahil Danish ang language na gagamitin pero ito raw ang magbibigay ng challenge sa kanya.
Ang ‘Miss Saigon’ ay ipoprodyus ng Det Ny Teater, isang privately-owned theater na nagpoprodyus ng mga Broadway at West End titles mula pa noong 1994.

 

Congratulations, Gerald and continue to bring pride to the Philippines!

 

***

 

HUMIHINGI ng dasal si Megastar Sharon Cuneta para sa kanyang pamangkin named Bam na may cancer.
Sa kanyang verified IG account (@reallysharoncuneta) ay nag-post si Sharon – “She is only 25 and I do not understand why she has cancer. She is loving, happy, good girl whom we all love so much. Please, please by our prayer warriors and help us pray for her healing too.”

 

Hindi pa nakaka-move on si Sharon sa pagkamatay ng kanyang mahal na si Cherie Gil which devastated her so much. Maraming mga dear friends si Sharon who died this year tulad ni Fanny Serrano.

 

We are sure sobrang lungkot na niya pero dapat pa rin siyang maging matatag sa harap mga malungkot na pangyayari.

 

Pero tiyak naman na sa pagtatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano last week ay maraming masayang memories na baon si Ate Shawie.

 

First time niya kasi gumawa ang teleserye at curious kami kung willing ba si Ate Shawie na gumawang muli.

(RICKY CALDERON)

Other News
  • MM, maaaring bumaba sa Alert Level 3- Abalos

    MAAARING lumuwag ang quarantine status sa Kalakhang Maynila matapos ng pilot implementation ng Alert Level 4 kapag ang indikasyon ng Covid 19 ay nagpakita ng “improvement”.   Umaasa si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos na magiging mas maayos ang situwasyon sa Kalakhang Maynila sa pangalawang linggo ng implementasyon ng Alert Level 4, […]

  • Mga guro, makatatanggap ng P5,000 chalk allowance sa Hulyo 29

    TINIYAK ni Education Secretary Sonny Angara na nakatakdang ipalabas ang P5,000 “chalk allowance” para sa mga guro kasabay ng pagbubukas ng klase sa Hulyo 29, araw ng Lunes.       “‘Yung chalk allowance will be released very soon, in time for the opening [of classes]. ’Yun talaga ‘yung timing nun eh,” ayon kay Angara. […]

  • PBBM, pinawi ang pangamba ukol sa di umano’y ‘loopholes’ o ‘mga butas’ sa EO na nagbabawal na sa POGOs

    PINAWI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pangamba ng ilang mambabatas ukol sa di umano’y ‘mga butas’ sa Executive Order No. 74, ang agarang pagbabawal o pag-ban sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), internet gaming at iba pang uri ng offshore gaming operation sa bansa.   Pinuna kasi ni Senadora Risa Hontiveros ang ilang umano’y […]