• January 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Binata pinagbabaril sa Malabon, dedbol

TODAS ang isang 20-anyos na binata matapos paulanan ng bala ng hindi kilalang suspek sa Malabon City, kamakalawa ng hapon.

 

 

Dead-on-arrival sa Tondo Medical Center sanhi ng tinamong tama ng bala sa iba’t-ibang parte ng katawan ang biktimang si Jamaicoh Loren Solis alyas “Maicoh”, ng 654 Gabriel St., Gagalangin Tondo, Manila.

 

 

Sa report nina PSSg Jeric Tindugan at PSSg Michael Oben kay Malabon police chief Col. Albert Barot, dakong alas-12:30 ng hapon nang maganap ang insidente sa Paros Alley, Block 8, Phase 3, Brgy., Longos.

 

 

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, nakaupo ang biktima sa naturang lugar nang bigla na lamang sumulpot ang suspek at pinagbabaril siya sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

 

 

Matapos ang insidente, mabilis na tumakas ang suspek patungong Padas Alley, Caloocan City habang isinugod naman ang biktima sa nasabing pagamutan subalit, hindi na ito umabot ng buhay.

 

 

Narekober ng rumespondeng mga tauhan ng SOCO sa crime scene ang tatlong basyo ng bala, isang fired bullet at isang metallic fragment mula sa hindi pa matukoy na kalibre ng baril.

 

 

Patuloy naman ang follow-up imbestigasyon ng pulisya para sa posibleng pagkakilanlan at pagkakaaresto sa suspek habang inaalam pa ang tunay na motibo sa pamamaril sa biktima. (Richard Mesa)

Other News
  • Lim, iba pa 5 magti-training sa Turkey mula Peb. 23-Mayo 15

    LALABAS ang national karate team ng Philippines Sports Commission (PSC)-Olympic training bubble sa Inspire Sports Academy sa Calamba City, Laguna sa paglipad sa Istanbul, Turkey sa Pebrero 22 upang doon ipagpatuloy ang kampo para sa Olympic Qualifying Tournament (OFT) sa Paris, France sa Hulyo 11-13.     Napag-alaman ng pahayagang ito kahapon kay Karate Pilipinas […]

  • SANYA, marami nang nagkaka-interes na kuning endorser dahil sa tagumpay ng teleserye

    PATULOY ang pagtaas ng rating ng new action-drama fantasy series na Agimat ng Agila, sa muling pagbabalik-acting ni Ramon “Bong” Revilla, Jr. sa TV.      Sa first two episodes ipinakita muna ang pagkakaroon ng masayang pamilya ni Gabriel, ang pagliligtas niya sa enchanted eagle, who in turn ay siyang tumulong sa kanyang makaligtas sa […]

  • Diaz delikado sa ika-4 na Summer Olympic Games

    NAMEMELIGRONG mabulilyaso ang magiging rekord na ikaapat na sunod na 32nd Summer Olympic Games ni Hidilyn Diaz at ang napipintong wakasan ang tagtuyot sa gold medal ng ‘Pinas sapul noong 1924 sa Paris, France.     Hindi ito kasalanan ng 2016 Rio de Janeiro Olympics women’s weightlifting silver medalist, kundi  sa pasaway na International Weightlifting […]