• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bishop Blue nagwagi

PINAGALANDAKAN ni Bishop Blue sa paghinete ni RM Garcia ang bilis sa paspasan upang mapanalunan ang Three-Year-Old & Above Maiden Race nitong Linggo sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

 

Nakiramdam muna ang class A rider at si Bishop Blue sa bandang likuran habang tangan ni Beli Bell ang trangko. Kasabay ni top favorite Bishop Blue si Doctor Amorette sa paghabol sa lamang ng limang kabayo ni Beli Bell papasok ng far turn.

 

Pero pagdating ng rektahan parang sibat na nilampasan ng winning horse si Beli Bell at namayagpag nang may apat na kabayo ang distansya.

 

“Mahusay pala ang Bishop Blue, future champion yan,” bigkas ni Carlos Fermin na isang karerista.

 

Sinubi ni Bishop Blue ang added prize P10,000, na umentra ng meta sa tiyempong 1 minuto at 32 segundo sa 1,400-metrong karerahan.

 

Pangalawa si Beli Bell, pangatlo si Doctor Amorette at pang-apat si Major Ridge. (REC)

Other News
  • Taal eruption: Police assistance desk, itinayo sa mga evacuation centers

    Mayroon nang matatagpuan na mga police assistance desk ng Philippine National Police (PNP) sa mga evacuation center kung saan pansamantalang nanunuluyan ang mga nagsilikas na residente dahil sa pag-aalburoto ng Bulkang Taal.   Nais kasi ni PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar na agad makapagresponde ang mga pulis sa mga evacuee at matiyak ang kanilang kaligtasan […]

  • 2,536 frontliners, inayudahan ng Makati government

    Makakatanggap ng pamaskong groceries at wellness kits ang nasa  2,536 medical frontliners ng Ma-kati Health Department, Ospital ng Makati, at Incident Command Post (ICP).   Laman ng bawat wellness kit ang grocery items, isang juice box na may kasamang reusable tumbler, isang dosenang donuts at food voucher na nagkakahalaga ng 500 pesos.   Sinabi ni […]

  • 5 kulong sa P115K shabu sa Valenzuela

    Timbog ang limang hinihinalang drug personalities, kabilang ang isang ginang matapos makuhanan ng higit sa P.1 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela city, kamakalawa ng gabi.   Kinilala ni Valenzuela police chief Col. Fernando Ortega ang naarestong mga suspek na si Eduardo Angeles, alyas “Mayong”, 51, Mary Ann […]