• December 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Biyudo kulong sa P170K shabu at baril

Bagsak sa kulungan ang isang 51-anyos na biyudo matapos makuhanan ng halos P.2 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan city, kahapon ng madaling araw.

 

Kinilala ni Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr. ang naarestong suspek na si Marcelo Amor, (watchlisted) ng 252 Abby Road 2, Brgy. 73.

 

Ayon kay Col. Mina, nakatanggap ng infomation report ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) mula sa Intelligence Section ng Caloocan police hinggil sa umano’y ilegal aktibidad ng suspek kaya’t isinailalim ito sa surveillance operation.

 

Dakong 3:50 ng madaling araw nang isagawa ng mga operatiba ng SDEU warrior sa pangunguna ni P/Capt. Deo Cabildo ang buy-bust operation kontra sa suspek sa Abbey Road 2, Brgy. 73 kung saan isang pulis na nagpanggap na buyer ang nagawang makaorder sa suspek ng P10,000 halaga ng shabu.

 

Nang tanggapin ng suspek ang marked money mula sa buyer kapalit ng isang medium plastic sachet ng shabu ay agad siyang sinunggaban ng mga operatiba.

 

Nakumpiska sa suspek ang aabot sa 25 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P170,000 ang halaga, cellphone, improvised/homemade handgun, 3 bala ng hindi pa matukoy na kalibre ng baril at buy-bust money na binubuo ng isang tunay na P1,000 at 9 piraso boodle/money. (Richard Mesa)

 

Other News
  • Nagulat sila sa kasikatan ng ‘Gento’: STELL, kasama pa rin sa SB19 kahit may solo career na

    KAHIT na sinasabing iba ang P-Pop sa K-Pop na siya naman din totoo, pero hindi namin maiwasang hindi pa rin makita kung paano, ang effective strategy sa career ng mga K-pop Idols ang nakikita rin namin sa mga miyembro ng SB19. Hindi talaga maitatanggi, ang SB19 ang pinakasikat at talagang gumagawa ng marka bilang P-Pop […]

  • Yorme Isko, pananagutin ang Mga lokal na opisyal na lumalabag sa quarantine protocols

    PATULOY na pananagutin ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang mga lokal na opisyal na hayagang lumalabag sa quarantine protocols sa gitna ng COVID-19 pandemic. Sa katunayan, ayon kay Mayor Isko Moreno ay may barangay chairman na inakusahan na sangkot sa illegal cockfighting sa Tondo at may ilang barangay officials naman ang nahuli na nag-iinuman […]

  • Suhestiyon sa mga gustong bumisita sa sementeryo sa Undas

    IKUKUNSIDERA ng pamahalaan ang lahat ng alternatibong opsyon para sa mga Pinoy na nagnanais na  makabisita at madalaw ang mga namayapa nilang mahal sa buhay sa All Soul’s Day  sa kabila pa rin ng banta  COVID-19 pandemic.   Ang suhestiyon ni Presidential Spokesperson Harry Roque  ay 5-day time allowance para sa publiko  na makabisita sa […]