• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Buo ang saya ng Pasko ng mga Ka-Tropie: Kauna-unahang PIE Channel Christmas SID, mapapanood na

DAHIL damang-dama na ang simoy ng Pasko, lalong papasayahin ng PIE Channel ang bawat Ka-TroPie.

Ngayong Christmas season, bubuuin ng PIE ang saya ng bawat barkada, magkaka-opisina, at pamilya bilang pasasalamat nito sa kanilang mga manonood.

Sinimulan ang #PIEmaskongSaya sa pag-launch ng kauna-unahang PIE Channel Christmas Station ID. Ang musika na ginamit ay komposisyon ni Marcus Davis na siya ring music composer ng karamihan sa mga awit sa ABS-CBN Station ID.

Ang lyrics ay isinulat naman ni Paolo Ramos at inawit ng PIE Jock at Pinoy Big Brother Season 10 Big Winner na si Anji Salvacion. Ang video ng naturang Station ID ay sa ilalim ng direksyon ni Josh Dizon at Paolo Ramos na siya ring nag-direct ng karamihan ng sikat na Kapamilya Station IDs.

Sa PIE Channel Christmas Station ID, ipinapakita ang mga kwento ng saya at mga sorpresang hatid sa nakaraang pitong buwan ng Pinoy Interactive Entertainment channel. Mapapanood ito sa PIE Channel pati na rin sa YouTube at Facebook accounts nito.

Bukod sa station ID at tuloy-tuloy na pagbibigay ng mga cash prizes araw-araw, madarama rin ng mga Ka-TroPIE ang #PIEmaskongSaya sa mga aabangang gimik tulad ng caroling ng PIE Jock, Pinoy Christmas-themed episodes, performances and segments, mall shows at marami pang iba!

 

 

Abangan ang mga PIE Jocks sa kanilang pagbisita sa mga bus/jeepney terminals, tindahan, waiting sheds, grocery counters, mga karinderya at iba pang mga lugar dahil may dala silang sopresang bubuo sa inyong Pasko!

Lahat ‘yan ay mapapanood simula December 14 hanggang sa araw ng Pasko, December 25.

Mapapanood din ang espesyal na 3-part Christmas mini-seryeng “Buo ang Pasko” na pagbibidahan nina Anji Salvacion, Kaila Estrada, Mel Kimura, Soliman Cruz, at Melai Cantiveros-Francisco sa PIE Channel! Eere ang mga episodes nito sa darating na December 3, 10, at 17, 2022 na may replays buong linggo sa PIE.

Mapa-TV, online, mobile, o kahit nasaan ka man, mag-isa o kasama ang pamilya, sa PIE, buong-buo ang saya ng PASKO!

Merry Christmas, mga Ka-TroPie!

Mahahanap ang PIE Channel sa pag-scan ng inyong digibox. Mapapanood din ang PIE sa Cablelink Channel 100, SkyCable Channel 21, YouTube, at official website nito. Kung mayroon kang GCash app, maaari rin itong masubaybayan ng LIVE sa GLive!

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Tiu Laurel, ipinag-utos sa BFAR na tulungan ang mga mangingisda na naapektuhan ng Bataan oil spill

    IPINAG-UTOS ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), araw ng Miyerkules na tulungan ang mga mangingisda na naapektuhan ng oil spill mula sa tumaob na motor tanker na Terra Nova sa Bataan.       Sinabi ni Tiu Laurel , kasalukuyan na ngayong Ina-assess ng BFAR ang […]

  • WALANG 3RD TRANCHE NG SOCIAL AMELIORATION PROGRAM

    NILINAW  ni DSWD Spokesperson  Director Irene Dumlao na walang 3rd tranche ng Social AmelioraTion Program , sa isang media forum ng National Press Club (NPC). Sinabi ni Dumalo sa National Press Club (NPC) forum na  sa ilalim ng Bayanihan to Heal As One Act, mandato ng DSWD na magbigay lamang ng dalawang tranches. Sinabi ni Dumlao […]

  • Higit 90% ng cash subsidies naipamahagi na sa mga PUV operators – LTFRB

    Lagpas 90% ng direct cash subsidies o mahigit P900 million na ang naibigay sa 80,249 public utility vehicle (PUV) operators sa buong bansa, ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).     Sa isang statement, sinabi ng LTFRB na sa ilalim ng Direct Cash Subsidy Program ng ahensya at ng Department of Transportation […]