• December 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Byahe ni Kiko’ umarangkada, solusyon sa gutom at mataas na presyo ng pagkain

UMARANGKADA na noong linggo ang “Byahe ni Kiko: Hello Pagkain, Goodbye Gutom” caravan ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan, kung saan bitbit nila ang seguridad sa pagkain ng mga Pilipino bilang mahalagang isyu sa halalan sa Mayo.

 

 

Sa pagtakbo niya bilang bise presidente, iginiit ni Pangilinan na ang isyu ng pagkain ay dapat nasa plato ng bawat kandidato, at hindi dapat ituring na simpleng kuwento dahil mahigit kalahati ng populasyon ay apek­tado nito.

 

 

Bilang isang magsasaka, sinabi ni Pangilinan na ang eleksiyon ay hindi lang dapat nakatuon sa mga kandidato kundi pati na rin sa kanilang agenda at sa direksiyon kung saan nila dadalhin ang bansa.

 

 

Dadalhin si Pangilinan ng Byahe ni Kiko van sa mga siyudad at lalawigan sa iba’t ibang bahagi ng bansa upang makipagpulong at makinig sa iba’t ibang sektor, kabilang ang mga magsasaka, mangingisda, estudyante, micro at small entrepreneurs, professionals, at manggagawa.

 

 

Sinabi ng kandidato sa pagkabise presidente na dapat pakinggan ang boses ng mga sektor dahil magiging mahalagang bahagi sila ng solusyon sa kanilang mga problema.

Other News
  • Mga proyekto, programa ng gobyerno ‘wag itago sa publiko –Bong Go

    UPANG malabanan ang lahat ng uri ng korapsyon, iginiit ni Senator Christopher “Bong” Go na kailangang ilantad sa mata ng publiko ang bawat ginagawa ng mga ahensiya ng gobyerno, partikular na ang proseso sa mga programa at proyekto.   Ipinaalala ni Go sa government agencies na tiyakin ang estriktong pagsunod sa transparency, accountability at good […]

  • 4 drug personalities timbog sa Caloocan at Valenzuela

    Apat na hinihinalang drug personalities ang naaresto ng pulisya sa buy bust opration at isang checkpoint sa magkahiwalay na lugar sa Caloocan at Valenzuela Cities.       Dakong alas-2:30 ng hapon nang magsagawa ang mga operatiba ng NPD District Drug Enforcement Unit (DDEU) sa pangunguna ni PLTCOL Macario Loteyro at PMAJ Jerry Garces ng […]

  • Confidential and Intelligence Funds, bumaba ng 16% sa panukalang 2025 national budget -DBM

    BUMABA ng 16% ang confidential and intelligence funds (CIFs) sa panukalang 2025 national budget kumpara sa alokasyon nito sa 2024 General Appropriations Act (GAA).         Sinabi ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah “Mina” F. Pangandaman na inaprubahan ng DBM ang kabuuang P10.29 billion (B) budget para sa CIFs, kung […]