• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Cashless/contactless payments sa mga tollways, ipapatupad

Ire-require na rin ng Department of Transportation (DOTr) sa mga expressways ang paggamit ng cashless o contactless payments sa kanilang mga tollways, upang matiyak na protektado ang publiko laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

 

Nabatid na inisyu ni DOTr Secretary Arthur Tugade ang Department Order 2020-012 noong Agosto 13 at inaatasan ang mga ahensiya na bumuo ng mga bagong proseso at tiyakin ang maayos na pagpapatupad sa bagong polisiya sa loob ng tatlong buwan.

 

“The move will complement other health protocols now being enforced by the government, such as physical distancing, as it aims to limit human intervention and remove the traffic queuing and congestion at the toll plazas,” ayon pa sa DOTr.

 

Ayon sa DOTr, sakop ng department order ang Toll Regulatory Board (TRB), na inatasan na bumuo ng mga rules and regulations na nagre-require sa mga concessionaires at operators ng mga toll expressways na tuluyan nang gumamit ng electronic toll collection system; gayundin ang Land Transportation Office (LTO), na inatasan na magsumite ng pag-aaral para maghanap ng mga pamamaraan upang mapayagan ang full Cashless at Contactless System sa mga expressways.

 

Samantala, ang Land Transportation Franchi­sing and Regulatory Board (LTFRB) ay inaatasan din namang i-monitor ang pagsunod ng lahat ng Public Utility Vehicles (PUVs) sa mandatory use o installation ng electronic tags o paggamit ng iba pang cashless systems sa kanilang mga units. (Ara Romero)

Other News
  • PBBM suportado ang panukalang batas na magpapalakas sa cyber security program ng gobyerno

    TINIYAK  ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kaniyang suporta sa rekomendasyon ng Private Sector Advisory Council Digital Infrastructure Group na sertipikahang priority legislation ang tatlong panukalang batas na makapagpapalakas sa cyber security efforts ng gobyerno.     Ayon sa Pangulo, kanyang kakausapin ang pamunuan ng lehislatura at mula Dito ay matingnan kung paano uusad […]

  • Tiangco brothers naguna sa NCR mayors, solons job performance rating

    NANGUNA si Navotas City Mayor John Rey Tiangco sa performing City Mayors sa National Capital Region (NCR), batay sa isinagawang independent at non-commissioned survey ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD).     Sa inilabas ng RPMD “Boses ng Bayan” Annual Report 2023, nakakuha si Mayor Tiangco ng 90.3% performance rating.     Nagpasalamat naman […]

  • PhilHealth, inilunsad na ang COVID-19 vaccine indemnification

    Inilunsad na ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang indemnification package sa mga makakaranas ng seryosong side effect matapos makatanggap ng COVID-19 vaccine.     Ang indemnification o bayad danyos ay isa sa mga probisyon ng COVID-19 Vaccination Program Act (Republic Act No. 11525).     Layunin nito na bigyan ng tulong pinansyal ang mga […]