Catantan tumusok ng 14 na panalo sa US NCAA
- Published on March 30, 2021
- by @peoplesbalita
PAMBIHIRANG husay at bangis ang niladladlad ni Pennsylvania State University athletic scholar Samantha Kyle Catantan ng Pilipinas sa 81st National Collegiate Athletic Association Fencing Championship 2021 women’s foil event nitong Sabado (Linggo sa Maynila) sa Bryce Jordan Center sa University Park, Pennsylvania.
Nanalasa ng 14 na panalo ang 19 na taong-gulang, tubong Quezon City at PSU Nittaly Lions freshman para maging solo lider sa katayuan pagkaraan ng three rounds ng kanyang disiplina para maging liyamado sa 4tt-5th sa Linggo (Lunes ‘Pinas).
Nasa 23 ang kjaribal ng dating University of the East standout high schooler sa kanyang event, na aktuwal 22 na lang dahil napilayan ang isa sa apat na araw na eskrimahan .
Gaganapin gaya ng women’s foil Rounds 4 at 5 pati ang semifinals at finals sa Lunes (Manila time) para sa women’s saber at epee.
Huhugutin ang Final Four na maglalabo-labo sa gold-silver at bronze medals makalipas ang last two rounds. (REC)
-
Ads March 16, 2021
-
Alert Level 0 ‘di na kailangan – DTI
HINDI NA kailangan ng bansa na ibaba ang COVID-19 status nito sa Alert Level 0 dahil “totally open” o bukas na ang ekonomiya, ayon sa Department of Trade and Industry (DTI). “Sa amin ho, hindi na kailangan mag-Alert Level 0 kasi bukas, totally open ang economy eh. Napagusapan namin sa IATF (Inter-Agency Task […]
-
Kinabog ang mga celebrity pets: Fur baby ni TAYLOR SWIFT, nasa $97 million na ang net worth
KABOG ang ibang pets ng celebrities sa pusa ni Taylor Swift na si Olivia Benson. Ito kasi ang ikatlong pinakamayamang hayop sa buong mundo ayon sa report ng All About Cats. Umaabot sa $97 million, o mahigit PhP 5.4 billion, ang net worth ng fur baby ni Taylor dahil sa social media. Ayon pa […]