• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

China, kinastigo ang US-South Korea-Japan deal

KINASTIGO ng China ang  kamakailan lamang na security commitment ng Estados Unidos, South Korea, at Japan.

 

 

“The Asia Pacific, which the Philippines is part of, should “not be turned into a boxing ring,” ayon sa  China.

 

 

Pinuna ni China’s foreign ministry spokesperson Wang Wenbin ang  tripartite ties’ joint statement na  “smeared and attacked China on Taiwan and maritime issues,” para sa China, ito’y isang pagtatangka ng ” hindi pagkakasundo” at paghahati-hati o pangkat sa hanay ng magkakalapit-bansa.

 

 

Nauna rito,  kinondena ng tatlong tinaguriang “powerhouse countries” ang agresibong taktika ng China sa pinagtatalunang katubigan.

 

 

Sinabi ni Wenbin na kung ang kasunduan ay ginawa na walang anuman na pinupuntirya, ang Estados Unidos aniya ay kailangan na “match its words with actions and act on its statement that the revitalization of its alliances is not targeted at China.”

 

 

“A cold war mentality, which may include tension covering economic and political actions, could also be revived following this recent development in the region,” babala ni Wenbin.

 

 

“The Asia-Pacific region is a promising land for peace and development. It should not be turned into a boxing ring for major power rivalry, still less a battlefield of cold war or hot war,” aniya pa rin.

 

 

“Attempts to stoke a new cold war in the region will be met by firm rejection of regional countries and peoples,” dagdag na wika nito.

 

 

Binigyang diin pa nito ang determinasyon ng China na ipaglaban ang ‘claims’ nito maging ito man ay sa Taiwan o sa South China Sea.

 

 

Ipinagtanggol naman nito ang maritime actions ng China, sabay sabing ang mga ito ay “legitimate, lawful, and beyond reproach.”

 

 

Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na binasura ng China ang arbitral tribunal’s ruling noong 2016 na nagpapawalang-bisa sa claims ng Beijing sa West Philippine Sea.

 

 

Subalit sinabi ni Wenbin na ang  China ay  “always abides by international law, including UNCLOS (United Nations Convention on the Law of the Sea).

 

 

Muli rin nitong inulit ang posisyon ng China laban sa “illegal” tribunal award.

 

 

Marami ng napaulat na insidente na kinasangkutan ng China laban sa Pilipinas  kabilang na ang pambu-bully sa mga  Filipinong mangingisda , at pagbomba ng water cannons sa Philippine vessels.  Ito ang dahilan ng paghahain ng Philippine government  ng  diplomatic protests  laban sa China.

 

 

Ang naging aksyon ng Beijing ang nakakuha sa atensiyon ng maraming bansa lalo na ng Estadsos Unidos.

 

 

Sinisisi naman ng China ang US government para sa  “to great lengths to interfere in the South China Sea issue,” branding the latter as a “disrupter and saboteur of the regional order.”

 

 

“The US has become the biggest threat and challenge to regional peace and stability,” ayon kay Wenbin.

 

 

Aniya pa rin,  ipagpapatuloy ng Chinese government na   “to firmly defend its sovereignty and security interests” at makipagtulungan sa ASEAN countries. (Daris Jose)

Other News
  • PBBM sa Comelec: “Bayad” na people’s initiative signature campaign, ipawalang-bisa

    DAPAT lamang na ipawalang-bisa ng Commission on Elections (Comelec) ang mga pirma sa People’s Initiative na nakuha kapalit ng pera.     “Well, pagka-binayaran ‘yung signature, hindi tatanggapin ng Comelec ‘yun. So walang magandang mangyayari,” ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa isang panayam matapos ang opisyal na paglulunsad ng Lung Transplant Program ng Lung […]

  • COVID-19 reproduction number sa NCR tumaas – OCTA

    Tumaas ng may 11 percent ang average daily new cases sa Natio­nal Capital Region (NCR)  o may 701 mula July 13 hanggang July 19, mas mataas  sa dating daily average case na wala pang 700 kaso sa nagdaang  apat na linggo.     Ayon sa OCTA Research Team na ang pagbabagong ito ay isang bagay na dapat bigyang pansin ng […]

  • FIRE PROTECTION AGENT AT 2 BABAE, TIMBOG SA P253K SHABU

    TATLONG hinihinalang drug personalities, kabilang ang isang fire protection agent ang arestado matapos makuhanan ng higit sa P.2 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng mga pulis sa Malabon city.   Kinilala ni Malabon police chief Col. Jessie Tamayao ang mga naarestong suspek na si Reya Remodaro, 24, (Pusher Listed top 4), sales lady, […]