• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Civil konstruksyon ng Bulacan airport malapit nang simulan

MINAMADALI na ang land development ng Bulacan Airport upang masimulan na ang civil works sa susunod na taon habang ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ay sasailalim sa privatization.

 

 

Samantala, ang San Miguel Aerocity Inc. (SMAI) ay 70 porsiento ng kumpleto ang land development na siyang magiging daan para sa pisikal na konstruksyon para sa New Manila International Airport (NMIA).

 

 

Sinabi ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista na dahil sa ganitong takbo ng schedule, ang land development ng SMAI ay maaaring matapos sa unang quarter ng 2024 na siyang magbibigay daan naman sa physical na konstruksyon ng pasilidad sa NMIA.

 

 

“Land development is almost 70 percent to 75 percent complete and we are expecting this will be completed by the end of the year or early first quarter of next year. After that, the group of Mr. Ramon Ang can start construction of runway and passenger terminal buildings,” wika ni Bautista.

 

 

Pinatotohanan naman ni San Miguel Corp (SMC) president at CEO Ramon Ang na ang NMIA ay umuusad ayon sa kanilang schedule.

 

 

Naniniwala si Bautista na ang bagong airport sa Bulacan ay matatapos at magkakaron ng operasyon bago matapos ang termino ni President Marcos. “We are optimistic that the Bulacan airport will be operational, maybe even partly before the end of the term of President Marcos,” saad ni Bautista.

 

 

Ang SMAI ay isang subsidiary ng San Miguel Holdings Corp na siyang infrastructure arm ng SMC at siyang nangangasiwa upang matapos sa taong 2027 ang gagawing pinakamalaking airport sa Philippines.

 

 

Gagastos ang SMC ng P735.6 billion upang maitayo ang bagong NMIA. Ang unang bahagi ng NMIA ay inaasahang magagamit ng 35 million na pasahero kada taon at makakapagbigay ng isang million na trabaho sa mga tao sa Central Luzon.

 

 

Sa kabilang dako naman ay sinabi ni Bautista na ang flight movement sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ay madadagdagan ng hanggang sa 50 kada oras kapag ang pasilidad nito ay sumailalim sa upagrading na gagawin ng pribadong concessionaire.

 

 

Ayon sa kanya na ang mananalong bidder para sa operasyon at maintenance ng NAIA ay kailangan makagawa ng bagong solusyon upang mapabilis ang proseso sa airport at makapag facilitate ng mas maraming pasahero sa loob ng isang oras.

 

 

“There is no more space for runway development for NAIA. What we plan to do is to improve the operations by allowing up to 48 to 50 movements per hour. Right now, aircraft movement is 38 to 40 only. With the adoption of new technologies and implementation of new processes, we should be able to increase this to at least 48 movement,” dagdag ni Bautista.

 

 

Noong nakaraang linggo ay binigyan ng approval ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang mungkahi ng DOTr para sa upgrading ng NAIA sa pamamagitan ng solicitated bidding kung kaya’t walang pagkakataon ang P267 billion na unsolicitate proposal ng isang consortium at foreign partner nito na mag renovate ng NAIA.

 

 

Dahil dito, ang DOTr ay bibigyan ang magiging concessionaire ng NAIA ng 15 taon upang makompleto ang rehabilitasyon na nagkakahalaga ng P170.8 billion. LASACMAR

Other News
  • Hepe ng pulisya, kulong sa pakikipagsiping sa 2 babaeng preso

    KULONG ang sinapit ng isang hepe sa lalawigan ng Cebu dahil sa pakikipagsiping at pagpapatulog nito sa dalawang inmate sa kanyang kuwarto.   Inaresto ang hepe ng Argao Municipal Police Station na si Police Chief Insp. Ildefonso Viñalon Miranda Jr. matapos ireklamo umano ito na nagpapasok ng babaeng preso sa kanyang opisina.   Natuklasan sa […]

  • Mga tinaguriang “new poor” na nalilikha ng epekto ng pandemya, maaaring manggaling sa mga OFW at nasa industriya ng turismo-Malakanyang

    PARA sa Malakanyang, ang turismo at mga OFW ang sektor na pinakamatinding tinamaan ng pandemya dito sa bansa.   Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, posibleng magmula sa nasabing sektor ang sinasabi ng World Bank na tinaguriang new poor o ang mga dati nang nakabangon sa kahirapan at maaaring muling magbalik sa kahirapan dahil sa […]

  • Liquor ban inalis na sa Navotas

    Inalis na ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang ipinatupad nitong liquor ban kaugnay ng magiging bilang ng mga kaso ng COVID-19 matapos ang Kapaskuhan.     Sa bisa ng City Ordinance No. 2021-07 na pinirmahan ni Mayor Toby Tiangco, pinawalang-bisa na ang pagbabawal sa pagbili o pagbenta ng alak o inuming nakalalasing sa lungsod simula […]