CLINICAL TRIAL SA AVIGAN, HINDI PA NASISIMULAN
- Published on August 26, 2020
- by @peoplesbalita
HINDI pa nasisimulan ang clinical trial ng nati flu drug na Avigan na itinuturing na maaring lunas sa mga pasyente na tinamaan ng COVID-19.
Ito ang kinumpirma ni Health Usec Maria Rosario Vergeire sa isang press briefing.
Una nang inihayag ng DOH na dapat sanang simulan ang clinical trial ng Avigan noong Agosto 17 ngunit ito ay hindi natuloy dahil sa ilang mga usapin gaya sa budget.
Kabilang sa mga hospital kung saan isasagawa ang trial ay ang Philippine General Hospital, Sta.Ana. Hospital, Quirino Memorial Hospital at Jose Reyes Memorial Medical Center.
Pero ang PGH pa lamang ang nakapagproseso ng mga kinakailangan dahil ala pang aprroval ng ethics committee para sa tatlong pang ospital na hanggang ngayon ay inaayos pa.
Ayon kay vergeire, inaasahang sa Setyembre ay masisimulan na ang clinical trial sa Avigan drug dahil kailangan pa aniya ng maaprubahan ng ethics committee at Food and Drug Administration sa mga nakatapos ng kinakailangang proseso. (GENE ADSUARA)
-
‘Kontrabida’ ni NORA, puwedeng pag-isipan na isali na lang sa Metro Manila Film Festival
AFTER getting good reviews sa huling primetime show niyang The Lost Recipe, sa Afternoon Prime naman magpapakitang gilas si Kelvin Miranda. Bida si Kelvin sa Loving Miss Brigette kung saan ka-partner niya ang bagong Kapuso star na si Beauty Gonzalez. Kahit na baguhan, kinakitaan ng passion at enthusiasm to act si […]
-
Deadline ng SIM registration, sa Abril 26
NILINAW kahapon ng Department of Information and Communications Technology (DICT) at ng National Telecommunications Commission (NTC) na ang deadline ng SIM registration, na Abril 26, 2023, ay alinsunod sa itinatakda ng batas. Matatandaang ang mandatory SIM registration ay nagsimula noong Disyembre 27, 2022 at magtatagal lamang ng 180 araw o hanggang Abril 26, 2023. […]
-
Paglaban sa Duterte 2022 pres’l candidate, magiging pahirapan – oposisyon
Inamin ng panig ng oposisyon partikular ng kampo ni Vice President Leni Robredo na magiging mahirap na kalaban sa 2022 national elections ang ieendorsong presidential candidate ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ito ay sa kabila umano ng tinatanggap na kritisismo ng Duterte administration sa pagtugon nito sa COVID-19 pandemic. Sinabi ni Office […]