• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

COMELEC BINATIKOS SA BAKLAS POSTER

UMANI ng batikos ang Commission on Elections (Comelec)  matapos mag-viral sa social media ang ilang video ng mga enforcer nito na nagbabaklas sa mga campaign materials sa mga pribadong pag-aari, kung saan inilarawan ng ilan ang mga insidente bilang “trespassing” at pagsugpo sa malayang pananalita.

 

 

Ito ay matapos na pagbabaklasin  ng Comelec Oplan Baklas ang mga tarpaulins na nakapaskil sa Robredo-Pangilinan volunteers’ center sa  Quezon City.

 

 

Ikinatwiran ng mga tagasuporta ni Robredo na ang lugar ay isang pribadong pag-aari, sa labas ng hurisdiksyon ng Comelec.

 

 

“Entering private premises/spaces to retrieve posters is of course illegal without a search warrant. Comelec needs to police its ranks. Criminal and administrative cases should be filed against these thugs,” sinabi ni election lawyer Emil Marañon

 

 

Idinagdag pa ni  nito na ang nasabing insidente ay “worrisome” o nakakabahala.

 

 

Aniya ito ay hindi lamang isang paglabag sa halalan , ngunit isang malinaw na pagsupil sa karapatan ng publiko sa malayang pananalita .

 

 

“Mali at labag sa saligang batas na basta na lamang binabaklas ng Comelec ang mga campaign materials na ito na hindi binibigyan ng pagkakataon na marinig muna ang panig ng mga nagpost ng nasabing campaign posters,” sinabi naman ni election lawyer Romulo  Macalintal.

 

 

“Our rule is that even if you’re posting on private property, you cannot post in excess of the allowed sizes. You can post campaign materials in your personal property but you’re still going to have to abide by the size requirement,” sabi naman Jimenez

 

 

Batay sa Comelec Resolution No. 10730 o ang implementing rules and regulation (IRR) ng Fair Elections Act, ang mga campaign poster ay dapat sumunod sa pinapayagang laki na 2ft x 3ft.

 

 

Binanggit din ni Jimenez ang desisyon ng Supreme Court (SC) sa akso ng Diocese of Bacolod  vs Comelec na nagtatakda ng jurisprudence sa mga hindi kandidato na naglalagay ng campaign propaganda

 

 

Pagdating naman sa Team Patay, Buhay posters sa loob ng museum, sinabi ni Jimenez na ito ay basehan ng kanilang Oplan Baklas operations kahit sa pribadong pag-aari.

 

 

Sinabi ni Jimenez sa isang press conference nitong Miyerkoles na dapat magsampa na lamang ng reklamo ang mga nakakaramdam ng agrabyado sa paghihigpit ng Comelec sa campaign materials.

 

 

“If anyone feels they have an action against Comelec, they must pursue that,” pahayag ni Jimenez. (GENE ADSUARA)

Other News
  • ‘McGregor, nais kong unahin sa 2021 ring comeback’ – Pacquiao

    Inamin ni Pinoy ring icon Sen. Manny Pacquiao na si UFC superstar Conor McGregor ang una nitong gustong makalaban sa oras na magbalik na ito sa boxing ring sa susunod na taon.   Ayon kay Pacquiao, nais niya raw maranasan na makaharap sa ibabaw ng boxing ring ang isang MMA fighter.   Nilinaw naman ng […]

  • Valenzuela LGU nagbigay ng dagdag na 25 bagong dump trucks sa WMD

    SA matatag na pangako na pahusayin ang kalidad ng buhay ng bawat Pamilyang Valenzuelano at pagpapanatili ng kalinisan, pinangunahan ni Mayor WES Gatchalian ang blessing at turnover ceremony ng 25 bagong dump trucks para sa Waste Management Division (WMD) na ginanap sa 3S Center Mapulang Lupa, Lunes ng umaga.     Ang pananaw ni Mayor WES na […]

  • Non-showbiz girlfriend, ayaw pag-usapan: DAVE, isa rin sa mga hunk actors na pinagpapantasyahan

    ISA rin si Dave Bornea sa mga hunk actors ng GMA na pinagpapantasyahan sa Instagram, ano ang mensahe niya sa mga nagpapantasya sa kanya?     “Ano lang, gawin niyo lang akong inspirasyon, yun lang naman talaga yung purpose ko e, makapagbigay lang ng inspirasyon sa mga taong nanonood sa akin, e.     “Iyon lang, sana […]