• April 26, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Comelec sa mga kandidato: Bawal mangampanya sa Huwebes, Biyernes Santo

MAHIGPIT ang paalala ng Commission on Elections (Comelec) sa mga kandidato na ipinagbabawal ang pangangampanya sa Huwebes at Biyernes Santo. “Sa mga kandidato, paulit-ulit namin sinasabi bawal ang pangangampanya sa Mahal na Araw lalo na ang Huwebes Santo at Biyernes Santo…. I-respeto sana rin natin ang isang napaka-solemn, religious activity at event na to,” ayon kay Comelec chairperson George Erwin Garcia. Sa ilalim ng Comelec Resolution No. 11086, na nagtatakda ng rules and regulations para sa Republic Act No. 9006 o The Fair Elections Act, mahigpit na ipinagbabawal ang pangangampanya sa Huwebes Santo, Abril 17, at Biyernes Santo, Abril 18, gayundin sa bisperas ng araw ng halalan sa Mayo 11 at sa mismong araw ng halalan sa Mayo 12. Kasabay nito, nagbabala rin ang Comelec na ang sinumang kandidato na mapapatunayang lumalabag sa naturang polisiya ay maaaring maharap sa kaukulang parusa. Hinikayat rin ng poll body ang publiko na huwag mag-atubiling maghain ng reklamo laban sa mga kandidatong maaaktuhan nilang lumalabag sa election laws. Maaari ring isumbong ang mga ito sa mga awtoridad upang kaagad itong maaksiyunan. Ang campaign period para sa national candidates ay itinakda ng poll body mula Pebrero 11 hanggang Mayo 10 habang ang kampanyahan naman para sa local candidates ay mula Marso 28 hanggang Mayo 10, 2025 lamang. (Daris Jose)

 

Other News
  • NORWEGIAN, CHINESE NATIONAL, INARESTO NG BI

    DINAKMA ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) ang isang pedopilyang Norwegian na inakusahan sa pang-aabuso sa mga menor de edad sa kanilang bansa at isang Chinese national na wanted sa pagpapatakbo sa isang pyramid investment scam.     Ayon kay   BI Commissioner Norman Tansingco  na Karstein Kvernvik,  a.k.a. Krokaa Karstein Gunnar, 50, ay […]

  • CIVIC ORGANIZATION NAGBIGAY NG CASH DONATION PARA SA QUEZON CITY LEARNING RECOVERY PROGRAM

    NAGBIGAY ng donasyong aabot sa 310 thousand pesos ang Rotary International District 3780 sa pamahalaang lokal ng Quezon City para sa proyekto ng lungsod na Learning Recovery Fund.     Personal na iniabot ni District Governor Florian Entiquez kay Quezon City Mayor Joy Belmonte ang nabanggit na halaga ng donasyon bilang pagpapakita ng sinserong komitment […]

  • Matapos ang earthquake drill, asahan ang fire drill sa Malacañang, Complex

    NAKATAKDANG ikasa rin sa mga susunod na araw at pagkakataon ang fire drill sa mga gusali sa Malacañang, Complex makaraang ikasa ang earthquake drill ngayong taon .     Ayon kay Architect Reynaldo Paderos ng Office of the President (OP) Engineering Office, nangangasiwa sa gusali ng New Executive Building (NEB) sa Malacañang, Complex, itatakda nila […]