Creamline hataw agad sa semis!
- Published on August 6, 2022
- by @peoplesbalita
MABILIS na nasawata ng Open Conference champion Creamline ang apoy ng Philippine Army, 25-21, 23-25, 25-19, 25-17, upang mainit na simulan ang semis drive nito sa Premier Volleyball League Invitational Conference na dumayo sa Ynares Center sa Antipolo City kahapon.
Apat na players ng Cool Smashers ang nagtala ng double digits sa pangunguna ni Open Conference MVP Tots Carlos na pumalo ng 24 puntos at 19 digs para pamunuan ang Cool Smashers na makuha ang 1-0 rekord sa semis.
Nagdagdag si team captain Alyssa Valdez ng 19 puntos samantalang umiskor naman si outside hitter Jema Galanza ng 12 puntos, 14 digs at walong receptions.
Lamang ng 20 attack points ang Cool Smashers laban sa Lady Troopers, 63-43 habang nakakuha ito ng walong blocks kabilang ang tatlo galing kay Panaga.
“We were able to recover from the second set since Army won’t give up that easily. That’s all we’re looking for since the game is already there. And everybody contributed,” ani Creamline coach Sherwin Meneses.
Nahulog ang Lady Troopers sa 0-2 baraha.
Sa ikalawang laro, nasolo ng PLDT Home Fibr ang liderato matapos pataubin ang Cignal, 15-25, 25-13, 25-23, 25-23, upang manatiling malinis ang rekord nito sa semis.
Umangat sa 2-0 ang High Speed Hitters habang bagsak sa 0-1 ang HD Spikers.
Mainit si middle blocker Dell Palomata nang humataw ito ng 19 puntos mula sa 16 attacks at tatlong blocks para tulungan ang High Speed Hitters na makuha ang panalo.
“Nasa mindset namin na huwag kaming bumitaw, huwag kami mag-doubt. Tulung-tulong lang kami ng mga teammates ko,” ani Palomata.
-
Philippine Charity Sweepstakes Office, todo pasalamat sa PNP na paiigtingin ang pagsugpo sa illegal gambling
IKINATUWA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang pangako ng Philippine National Police (PNP) na paigtingin ang kanilang pagsugpo sa illegal gambling sa bansa. Makakatulong ito sa ahensya na makapagbigay ng mas magandang serbisyo sa publiko. Kung matatandaan, nagbigay ng pangako si PNP chief Gen. Benjamin Acorda Jr. kay Philippine Charity […]
-
Castro vs Biscocho sa pagka-race director
Si Jose ‘Jun’ V. Castro Jr. ang kinikilalang ng ama ng Philippine running. Siya ang dahilan ng running boom sa bansa noong dekada 80 tapos ng bantog niyang Band Aid Family Marathon Clinic noong 70s. Pero noong 1980 silang dalawa – Castro ng Intergames o Intersport at Rodolfo ‘Rudy’ Biscocho ng Run And […]
-
Proteksyon ng OFWs, tiniyak ng Taiwan
TINIYAK ng gobyerno ng Taiwan ang pagbibigay ng proteksyon sa mga Pilipino na nagtatrabaho sa kanilang bansa sakaling sumiklab ang tensyon sa pagitan ng Taiwan at ng China. Sinabi ni Manila Economic and Cultural Office Chairman Silvestre Bello III na tiniyak sa kaniya ng National Police Agency of Taiwan na handa silang magbigay […]