DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 33) Story by Geraldine Monzon
- Published on February 17, 2022
- by @peoplesbalita
HABANG sakay ng kotse ay nagka-idea si Bernard na puntahan nila si Andrea para makita nila ito ng personal at higit nila itong makilala. Labis itong ikinatuwa ni Angela kaya pinlano agad nila ang sorpresang pagbisita rito.
“Sweetheart, samahan mo akong mamili ng mga ipapasalubong natin sa kanya ha.” ani Angela.
“Okay, no problem, kahit kailan mo gusto sweetheart.”
Dahil doon ay masayang masaya si Angela habang nagtatrabaho sa restaurant. Hinanap niya si Jared.
“Ma’am Angela, pinatawag nyo raw po ako?”
“Oo, maupo ka.”
“Ano pong maipaglilingkod ko ma’am?”
May isinulat si Angela sa kapirasong papel.
“Heto ang numero ni Andrea. Pumayag siyang ibigay ko ito sa’yo. Be good to her or else, kaming dalawa ni Sir Bernard mo ang makakalaban mo, maliwanag ba?”
Hindi makapaniwala si Jared. Nangingislap sa tuwa ang mga mata niya habang inaabot ang kapirasong papel na naglalaman ng numero ni Andrea, mula kay Angela.
“Opo ma’am, thank you so much po, thank you talaga, umasa po kayo na magiging mabuti akong kaibigan sa kanya, pangako po ‘yan!”
“Ok. Sige, balik ka na sa trabaho mo.” nakangiting sabi ni Angela.
Palabas na ng pintuan nang biglang pumihit pabalik si Jared.
“Ah ma’am, pwede po bang samantalahin ko na ang pagkakataon na’to, magpapaalam po sana ko na uuwi muna po ako sa amin ng tatlong araw, may pinapaasikaso po kasi ang mama ko tungkol sa dokumento ng lupa namin.”
“Ok. No problem. Magfile ka na lang ng leave.”
Tuwang tuwa si Jared sa napakabait niyang amo.
Tuwang tuwa rin si Regine sa balitang natanggap mula kay Bernard nang tawagan siya nito.
“Regine, this is good news for you, pumayag na ang asawa ko na ipasok kita sa company.”
“Thank you so much Bernard, thank you dahil pumayag kayo ni Angela na maipasok ako sa kumpanya!”
“You’re welcome Regine. Gusto rin namin na maging maayos na ang buhay mo. Do it for Janine kahit wala na siya.”
“Yes Bernard…siguradong matutuwa si Janine kung malalaman niya ito, saan man siya naroon.”
“And gusto ko lang din na ipaalala sa’yo na, ayokong mabahiran ng kahit anong kulay ang pagmamagandang loob naming ito.”
“I know.” napahinga ng malalim na tugon ni Regine.
Matapos makipag-usap kay Bernard sa phone para sa ilang detalye tungkol sa trabaho ay napangiti ito.
“This is it…babalik ako sa pedestal kung saan ako nararapat…”
Dumalaw sina Angela at Bernard sa puntod ni Janine. Masaya nilang ibinalita rito ang nalalapit nilang pagsorpresa kay Andrea.
“Janine, anak, makikita na namin siya…para sa’yo ito…kung ipinagkait man sa inyo ng tadhana ang pagkikita ninyong dalawa, gagawin namin ito ngayon para sa’yo. Sisiguraduhin namin na mapapangiti namin ang matalik mong kaibigan tulad ng lagi mong sinasabi sa kanya.” ani Angela.
“Kaya huwag ka nang mag-alala anak, hindi namin pababayaan ang kaibigan mo. At saka ang mama mo. Tutulungan din namin siya para ngumiti rin siya kagaya namin.”
Hindi naman mapakali si Jared nang makuha ang number ni Andrea. Ilang beses niya itong idinial pero ring lang nang ring. Hindi sumasagot.
“Hays, busy kaya siya? Gustong gusto ko ng itanong kay Ma’am Angela kung bakit umiiyak si Andrea doon sa puno at bakit hindi ito pumasok sa chapel at kung ano ang kaugnayan nila sa isa’t-isa…kaya lang baka isipin naman ni ma’am na lalaking Marites ako…di bale kapag naging magkaibigan na kami ni Andrea, malalaman ko rin naman lahat ng gusto kong malaman tungkol sa kanya…” sa isip ni Jared habang nakahiga sa sofa at patuloy na idina-dial ang numero ng dalaga.
Hindi naman masagot ni Andrea ang tawag dahil hindi niya ito napapansin. Nagmamadali kasi siya na matapos ang gawaing bahay para pagdating ni Jeff ay nasa kuwarto na ulit siya. Hindi na siya aabutan nito. Mula kasi nung may mangyari sa kanila ay todo iwas na siyang magkrus ang landas nila kahit nasa iisang bubong lang sila. Kapag alam niyang mag-aalmusal na ito ay papasok siya ng cr para maglinis. Kapag wala na ito sa kusina ay saka naman niya iimisin ang pinagkainan nito.
Kapag alam niya na magkkakasalubong sila ay agad siyang iiba ng direksyon. Tulad noong isang araw na nagdidilig siya ng mga halaman, mula sa bintana ay nakita niyang papalapit ito kaya’t mabilis siyang nagkubli sa malalagong halaman. Nakita pa niyang lumilinga ito sa garden na parang hinahanp siya.
Isang beses, nagpapatimpla sa kanya ito ng kape ay bigla siyang nag-inarte na masakit na masakit ang tiyan niya, kaya nakiusap siya kay Manang Sonya na ito na lamang muna ang magtimpla ng kape para kay Sir Jeff.
Isang beses naman ay naabutan siya nito sa washing area. Hinagis nito sa kanya ang boxer short na ikinagulat niya. Pero hindi siya lumingon. Ni hindi siya umimik nang sabihin nitong unahin labhan ang paborito nitong boxer short. Napalunok siya nang makita iyon dahil iyon ang boxer short na suot nito noong may mangyari sa kanila.
Lingid kay Andrea, habang hawak niya ang boxer short ay nakasilip sa kanya si Jeff mula sa likuran ng wall. May ilang segundo ring hinawakan at tinitigan iyon ng dalaga bago isinama sa mga labahin. Kaya naman napangiti ang binata. Iniisip nito na may naalala roon si Andrea.
Hindi alam ni Andrea kung hanggang kailan niya maiiwasan ang kanyang amo pero hangga’t maaari ay patuloy niyang gagawin ang pag-iwas dito sa sobrang hiya niya at takot sa nangyari.
Hanggang isang araw. Isang bisita ang hindi niya inaasahang dumating. Narinig na lang niyang may pinapapasok si Manang Sonya.
“Tuloy. Sandali at tatawagin ko lang si Sir Jared.”
Dumagundong ang kaba sa dibdib ng dalaga. Hindi niya ito inaasahan.
(ITUTULOY)
-
Gobyerno ng Estados Unidos, nakikipagtulungan sa mga awtoridad ng Pinas sa paghahanap sa dinukot na American vlogger
MAHIGPIT na nakikipagtulungan ang gobyerno ng Estados Unidos sa mga lokal na awtoridad sa Pilipinas sa paghahanap kay American Elliot Eastman, dinukot sa Zamboanga Del Norte. “When a U.S. citizen is missing, we work closely with local authorities as they carry out their search efforts, and we make every effort to keep lines […]
-
GRETCHEN, ipinagtanggol si ATONG sa kumalat na fake ‘quote card’; JANNO, DENNIS at ANDREW, may bago na namang pasabog
IPINAGTANGGOL ng kilalang socialite-actress na si Gretchen Barretto sa kumalat na fake news tungkol sa businessman at close friend na si Charlie ‘Atong’ Ang. Ipinagdiinan ni Gretchen na hindi totoo ang kumakalat na quote card ni Atong Ang na parang kinakalaban ang presidential aspirant na si ex-senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. na mas […]
-
Lopez kapitbahay si Morente sa ‘Calambubble’ training
TULUNGAN ang ‘magkapitbahay’! Kapwa naka-quarantine sina sports stars Pauline Louise Lopez ng taekwondo at Michelle Morente ng volleyball sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna kaya naging magkasundo ang isa’t isa. Habang ‘nakapiit’ sa hotel bilang paghahanda sa susunod nilang mga kompetisyon, naging magkatabi lang ang kwarto ng dalawa kaya nag-abutan […]