• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 50) Nalalapit na ang pagwawakas… Story by Geraldine Monzon

HINDI MAITAGO  ni Regine ang inis kay Bela dahil sa pangingialam nito sa mga plano niya kaya hindi niya napigilan na maghimutok sa bagong kakampi na si Roden.

 

“Magtiwala ka lang sa’kin Regine. Basta tutulungan mo ako na mapabagsak si Bernard.”

 

Sa sinabi ng lalaki ay natigilan si Regine at napasandal sa upuan sabay halukipkip.

 

“Wait, what do you mean?”

 

“Nagbalik ako sa buhay nila para maghiganti kay Bernard.”

 

“Dahil kay Angela?”

 

“Exactly, tutulungan mo ba ako o hindi?”

 

Saglit na nag-isip ang babae. Pagkuwa’y…

 

“Ok fine. Pero kailangan mo muna akong tulungan sa maldita nilang anak!”

 

“Ssshhh, lower your voice. Wag mo nang alalahanin ang batang ‘yon. Magtaray lang siguro ang kaya niyang gawin.”

 

“Huwag mo siyang maliitin. Hindi ako hihingi ng tulong sa’yo kung mahina ang loob ng batang ‘yon.”

 

“Relax. Mawawala rin ang kamalditahan no’n.”

 

Habang patuloy ang kanilang pag-uusap, sa kabilang bahagi ng isip ay tumututol si Regine na pakialaman ni Roden si Bernard. Ayaw niyang bumagsak ito dahil gusto nga niya na magkabalikan sila. Kapag bumagsak ito, ayaw naman niyang kumapit kay Roden na hindi niya kursunada. Pero sasakyan lang muna niya ang lalaki hangga’t hindi siya nito natutulungan sa problema niya kay Bela.

 

Dinalhan ni Bela ng kape ang daddy niya sa mini-office nito sa loob ng bahay.

 

“Oh Bela anak, salamat sa kape.”

 

“Dad, gusto ko lang po sanang mag thank you sa inyo dahil pumayag po kayong makasama natin dito si Mama Cecille. Susunduin ko na po siya bukas. Sana lang po pumayag din siya na tumira rito.”

 

“Para sa’yo anak. Kung sa ikasisiya mo hindi na kami tututol ng mommy mo.”

 

Isang yakap ang itinugon ni Bela sa ama.

 

Nang biglang tumunog ang cellphone niya.

Si Jeff ang nasa kabilang linya.

 

“Excuse po dad.”

 

Sinagot niya ang tawag sa labas ng office room.

 

“Jeff, bakit?”

 

“Nami-miss na kita agad eh. Magkita tayo.”

 

“Samahan mo na lang ako, susunduin ko si Mama Cecille bukas.”

 

“Bukas pa ‘yon. Gusto ko ngayon na tayo magkita.”

 

“Hihintayin ko munang dumating si mommy para makapagpaalam ako.”

 

“Ba’t hihintayin mo pa, e di puntahan na natin sa restaurant at doon tayo magpaalam.”

 

“Hay naku, wala na talaga akong ikakatuwiran sa’yo.”

 

“Kailan mo ba kasi ako ipapakilala sa kanila bilang boyfriend mo?”

 

“Humahanap lang ako ng magandang timing.”

 

“Sus. Kailan pa ‘yon, gusto mo ngayon na?”

 

“Huwag ka ngang adelantado riyan. Lahat ng bagay dapat nasa tamang timing.”

 

“Oo na, basta lumabas tayo ngayon ha, susunduin kita dya’n within 30 minutes.”

 

“Ano, ang bilis naman no’n!”

 

“Miss na miss na nga kita eh.”

 

“Saan ba tayo pupunta?”

 

“Kakain sa labas.”

 

“Bakit hindi na lang sa restaurant namin tayo kumain?”

 

“Para makita mo si Jared?”

 

“Jeff!”

 

“O sige na, mag-ayos ka na. Otw na’ko.”

 

“Ok ingat ka.”

 

“Ikaw din. Ingat sa pag-aayos, huwag masyadong magpaganda baka lalo akong mainlab sa’yo.”

 

“Asus!”

 

Kinabukasan.

Nilapitan ni Bela ang ina na nag-aalis ng mga tuyot na dahon sa mga halaman sa garden. Sinabi niya rito na tatawagan na lang niya si Mang Delfin kapag napa-oo na niya ang kanyang mama. Alam kasi niya na hindi ito nagpapasya ng biglaan kaya pupuntahan muna nila ito ni Jeff para kausapin.

Sinang-ayunan naman ito ni Angela.

 

“Napapansin ko na palagi kayong magkasama ni Jeff.”

 

“Ahm, mommy…”

 

Tumingin si Angela sa ina.

 

“May sasabihin ka ba?”

 

“Ahm…”

 

“Sige na, huwag kang mahiya. I’m your mom and your bestfriend too.”

 

“Tungkol po kay Jeff. ..kasi po…meron na po kaming unawaan…”

 

Saglit na napatitig si Angela kay Bela na ipinag-alala ng dalaga.

 

“Mommy, I’m sorry po.”

 

“It’s okay. Kung masaya ka sa unawaan nyo, masaya rin ako para sa’yo.” anito. “ Ang gusto ko lang na lagi mong tatandaan ay huwag mong kakalimutan ang sarili mo kahit nagmamahal ka.”

 

“Opo mommy. Salamat po sa pang-unawa. Gusto ko po sana na kapag nandito na si Mama Cecille ay saka ko pormal na ihaharap si Jeff sa inyo nila mama at daddy bilang boyfriend ko.

 

“Iyon ang tama anak. At sana ipakilala ka rin ni Jeff sa mga magulang niya bilang girlfriend.”

 

“Opo mommy, gagawin niya po iyon.”

 

Si Jeff mismo ang nagkabit ng helmet ni Bela. Nakatitig siya sa nangungusap na mga mata nito.

 

“Ano ba, ba’t ganyan ka makatingin?”

 

“Wala lang, ang sarap kasing pagmasdan ng mukha mo.”

 

“Bolero, siguro ganyan din ang sinabi mo sa mga naging gf mo.”

 

“Hindi no. Iba naman ang sinabi ko sa kanila.” natatawang biro ng binata na ginantihan ni Bela nang pabirong hampas sa balikat nito.

 

Matapos nilang magpaalam kina Angela at Bernard ay pinaandar na ni Jeff ang motor.

 

“Oh Bernard sweetheart. Bakit nakakunot ang noo mo?”

 

“Hindi ko kasi alam kung bakit ang laki ng tiwala ng anak natin sa mokong na ‘yon?”

 

“Sweetheart, let’s give him a chance. Sa tingin ko naman ay nagbago na siya ng pakikitungo kay Bela.”

 

“Dahil sa nalaman niyang hindi lang basta kasambahay ang anak natin?”

 

“Ang sabi ni Bela, bago pa man ito malaman ni Jeff ay naramdaman na niya ang pagbabago ng pakikitungo nito sa kanya. Siguro ay nainlab na siya sa anak natin.”

 

“Ah basta, hindi pa rin ako komportable na ang lalaking ‘yon ang kasama niya. Baka saktan lamang niya si Bela.”

 

Hindi na kumibo si Angela. Alam niya na nag-aalala lamang si Bernard bilang isang ama.

 

Habang daan ay napansin ni Jeff ang kotse na tila sumusunod sa kanila. Kaya’t binilisan niya ang pagpapaandar ng motor.

 

“Jeff, anong ginagawa mo?” nagtatakang tanong ni Bela.

 

“Kanina ko pa napapansin ang kotseng ‘yon, parang sinusundan tayo.”

 

“Bakit naman tayo susundan, teka may kaaway ka ba?”

 

“Wala ah.”

 

“Alin ba ang sumusunod sa atin, ‘yung gray?”

 

“Oo. Maghahanap ako ng malulusutang kanto na hindi siya makakasunod.”

 

“Jeff baka naman nagkakamali ka lang!”

 

“Kanina ko pa ‘yan inoobserbahan eh!”

 

Lumiko si Jeff sa unang kanto na dinaanan kahit hindi talaga roon ang way nila. Nakasunod pa rin ang kotseng gray.

 

“O kita mo na, sinusundan talaga tayo!”

 

Nagsimulang mag-alala si Bela. Mukhang tama nga ang hinala ni Jeff. Pero sino naman kaya ito?

 

“Jeff, ihinto mo kaya?”

 

“Hindi tayo pwedeng huminto, baka may masamang balak sa atin ‘yan!” anang binata. “ Kumapit kang mabuti sa akin Bela…”

 

Sinunod ng dalaga ang sinabi ni Jeff. Saka pinaharurot ng binata ang motor na halos lumipad na sa ere sa sobrang bilis.

 

“EEEEEE!” hindi maiwasang mapatili ni Bela nang marinig ang mga putok na tila sila ang pinupuntirya.

 

(ITUTULOY)

Other News
  • Nagsimula nang mag-shooting ang apat na direktor: ‘Socmed Ghosts’ na pagbibidahan ni CHASE, intended sa international filmfest

    NAGSIMULA na ngang mag-shooting na may working title na ‘Socmed Ghosts’, na isang horror, tragedy and drama movie na ipo-produce ng Kapisanan ng Social Media Broadcasters ng Pilipinas, Inc. na kung saan ang founder ay si Dr. Michael Raymond Aragon.     Si Chase Romero nga ang napiling bida ng pelikula na kung saan gagampanan […]

  • COVID-19 cases sa bansa nasa 3,749, highest sa halos kalahating taon

    Nakapag-ulat ang Department of Health (DOH) ng 3,749 bagong kaso ng coronavirus disease (COVID-19) ngayong Huwebes, bagay na nag-aakyat sa kabuuang local infections sa 607,048.     Batay sa mga bagong nakalap na datos ng Kagawaran ng Kalusugan, narito ang bagong mga pasok na datos para araw na ito:   lahat ng kaso: 607,048 nagpapagaling […]

  • DOH maghahain ng ’emergency use’ application para sa Sinopharm COVID-19 vaccine

    Mismong Department of Health (DOH) na raw ang maghahain ng aplikasyon para magkaroon ng emergency use sa Pilipinas ang COVID-19 vaccine ng Chinese company na Sinopharm.     Ito ang inamin ni Health Sec. Francisco Duque III, matapos mapasali sa emergency use listing ng World Health Organization (WHO) ang Sinopharm vaccine.     Ayon sa […]