Del Rosario 4th sa WAPT 6th leg, kumita ng P145K
- Published on June 16, 2021
- by @peoplesbalita
NAGSUMITE ng one-under par 71 pa-four-day aggregate 284 si Pauline del Rosario supang palabang sumosyo sa ikaapat na puwesto kay Sofia Garcia ng Paraguay at magrasyahan ng $3,050 (P145K) sa karorolyong 3rd Women’s All-Pro Tour 2021, 6th leg $49K (P2.3M) Oscar Williams Classic sa Hurricane Creek Country Club sa Anna, Texas.
Seven strokes ang kalamangan sa Philippine shotmaker nang nagreynang si Kim Gray ng Australia na may 73-277 sa coast-to-coast win nitong Sabado, pero walang nakuhang cash prize dahil sa pagiging amateur pa lang.
Salto si Del Rosario sa ikalawang korona makaraang pamayagpagan ang WLN Central Arkansas Open nitong Mayo 12-14 sa Conway, Arkansas kung saan kumite siya ng $8K (P382) at isang babasaging eleganteng tropeo.
Lumamang two strokes ang sumegunda na si Emma Broze ng France na pumelo ng 67-279 at sinubi ang $9,500,at tumersera si Olivia Mehaffey ng Northern Ireland na naka-70-281 at may $4,500.
Lalahok din si Del Rosario sa WAPT 7th leg Kathy Whitworth Paris Championship simula sa Miyerkoles, Hunyo 16 sa Paris Golf and Country Club sa Paris, Texas. (REC)
-
Peoples Empowerment Act, inaprubahan sa huling pagbasa
Inaprubahan sa huling pagbasa ang mga mahahalagang panukala kabilang na ang House Bill 7950 o ang “People’s Empowerment Act.” Sa botong 217-0, at anim na abstensyon, layon ng panukala na itatag ang sistema ng pakikipagsosyo sa pagitan ng mga lokal na pamahalaan at mga civil society organizations (CSOs) sa pamamagitan ng pagtatatag ng People’s […]
-
WHO, suportado ang third Covid-19 dose
INIREKOMENDA ng World Health Organization (WHO), araw ng Huwebes ang pagbabakuna ng third dose ng COVID-19 vaccine para sa mg taong may immunocompromised condition o hindi kayang makapag- develop ng full immunity matapos ang dalawang doses. “We are now in a position to say that for people with immunocompromised conditions who have been unable […]
-
Bal David nag resign bilang coach ng Growling Tigers
Nagbitiw na bilang coach ng University of Santo Tomas Growling Tigers si Bal David. Kasunod ito sa iisa lamang ang panalo ng Growling Tigers at 13 talo noong nakaraang UAAP Season 85 na siyang unang pagkakataon na maging head coach. Papalit sa kaniyang puwesto si assistant coach Rodney Santos. Ang 50 anyos […]