DepEd: Karamihan sa mga magulang, pinili ang modular learning para sa kanilang anak sa pasukan
- Published on August 3, 2020
- by @peoplesbalita
Papalo sa halos 9-milyong mga magulang ang may gusto sa modular instruction bilang alternatibong learning modality para sa kanilang mga anak para sa darating na pasukan sa Agosto 24.
Batay sa resulta ng mga nakalap ng Department of Education (DepEd) na datos mula sa Learner Enrollment and Survey Form (LESF) survey, lumabas na nasa 8.8-milyon na magulang ang pabor sa paggamit ng mga module.
Sa ilalim nito, maglilimbag ang DepEd ng mga modules na ipapamahagi ng mga guro sa kanilang mga estudyante para malimitahan ang kanilang interaksyon sa isa’t isa sa harap ng krisis sa coronavirus.
Nasa 3.9-milyon naman ang may gusto sa blended learning, o kombinasyon ng iba’t ibang mga learning modalities.
Habang nasa 3.8-milyon na mga magulang naman ang pabor sa online learning; 1.4-milyon para sa Educational TV; 900,000 para sa radyo; at kalahating milyon ang may gusto sa iba pang modalities.
“Ang mga datos at impormasyon ay ginamit ng bawat regional at schools division office, at mga paaralan sa pagdisenyo ng kanilang sariling learning continuity plan partikular sa pagpili ng ipatutupad na learning modalities,” saad ng DepEd sa isang pahayag.
“Ang mga datos ay ginamit rin upang tukuyin ang budget requirements para sa LCP lalo na sa paggawa ng learning resources.”
Samantala, ipinakita rin ng survey na may kabuuang 395,743 na mag-aaral ang lumipat mula pribadong paaralan at state and local colleges and universities patungong pampublikong paaralan.
Sa kabilang dako, sa pinakahuling datos ng kagawaran, umabot na sa 22.3-milyong mga estudyante ang nag-enroll na sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa buong bansa.
Ang naturang bilang ay 80.4% ng enrollment turnout noong nakalipas na taon.
Nasa 20.95-million na ang mga nagpatala sa mga public schools, habang nasa 1.37 million naman sa mga private schools.
-
Pinas, nakatanggap ng P48.7-M Aussie aid para sa Covid-19 response
NAKATANGGAP ang Pilipinas, araw ng Biyernes ng P48.7 milyong halaga ng cold chain equipment at iba pang tulong mula sa Australian government, sa pamamagitan ng United Nations Children’s Fund (Unicef) Philippines. Sinabi ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III na ang Australian government ay “long-time ally” ng Pilipinas at nagbigay ng […]
-
Truck driver pinagbabaril sa harap ng kainuman
NASA malubhang kalagayan ang isang 44-anyos na truck driver matapos pagbabarilin ng hindi kilalang suspek sa harap ng kanyang mga kainuman sa Malabon City, kahapon ng hating gabi. Inoobserbahan sa MCU Hospital sanhi ng tinamong tama ng bala sa kaliwang braso at kanang hita ang biktimang si Rodjie Javinar, 44 ng M Adalia St. […]
-
Pacquiao tatanggapin ang ‘Manok ng Bayan’
SOKPA uli si eight-division world men’s professional boxing champion Sen. Emmnuel ‘Manny’ Pacquiao sa Philippine Sportswriters Association (PSA) virtual Awards Nights 2020 sa TV5 Media Center sa Mandaluyong sa Marso 27, Sabado. Igagawad sa 42-anyos, 5-7 ang taas at tubong Kibawe, Bukidnon ang Chooks-to-Go Fan Favorite ‘Manok ng Bayan’ Award, na kabilang sa […]