• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DepEd, kinondena ang paggamit sa kantang ‘Dakila Ka, Bayani Ka’ para sa political promotion ni Robredo

MARIING KINONDENA ng Department of Education (DepEd) ang paggamit sa kantang “Dakila Ka, Bayani Ka” sa online political promotion video.

 

 

Sa isang kalatas, sinabi ni DepEd Undersecretary for Administration Alaine Pascua na ang nasabing kanta ay orihinal na ginawa bilang tribute sa mga front-liners laban sa coronavirus disease 2019 (Covid-19) subalit ginamit nang walang permiso o pahintulot para sa political video na sumusuporta kay presidential candidate Vice President Leni Robredo.

 

 

“While we respect the political choice of the medical personnel featured in the video, we are appalled that the people behind the production of the said video did not even practice due diligence in securing permission first from the artists who graciously lent their time and talent for the song,” ayon kay Pascua.

 

 

Ayon sa post, ang campaign video ay pinrodus ng Robredo People’s Council Hope and Beyond Nueva Ecija, kasama ang mga miyembro ng Nueva Ecija Doctors for Leni for Free na nagpe-perform nito.

 

 

Ani Pascua, nakagagalit na ginagamit ang front-liners heroism para sa politika, iginiit nito na ang serbisyo ng mga front-liners ay para sa kapakanan ng publiko maging anuman ang political color ng bawat isa.

 

 

“The song itself emphasizes ‘Anuman ang kulay nila, anuman ang paniniwala, nagkakaisa sa pagtulong sa kaligtasan ng iba,’ to recognize the setting aside of political colors and partisanship in their service to our people. That message and recognition was sadly and unfortunately bastardized by this political rendition,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Sa kabilang dako, nagbabala naman si Pascua na gagawa sila ng legal na aksyon upang isalba at ilayo ang nasabing materyales mula sa partisan initiatives.

 

 

Samantala, ang kinukuwestiyong video na pinost noong Marso 24 ay inalis na matapos na magpalabas ng kanyang pahayag si Pascua.

 

 

Ang “Dakila Ka, Bayani Ka” ay nilikha ni Arnie Mendaros at inareglo ni Albert Tamayo. (Daris Jose)

Other News
  • PDu30, pinadalhan na ng imbitasyon para sa campaign rally ng pagsasanib ng PDP-Laban at UniTeam

    KINUMPIRMA ng Malakanyang na imbitado si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa inihahandang campaign rally para sa gagawing unification ng PDP at Uniteam.     Ito ang inihayag ni Acting Presidential Spokesperson at PCOO Secretary Martin Andanar matapos ang pag- uusap ng UniTeam at PDP-Laban para sa ikakasang joint rally.     Sa katunayan ani Andanar […]

  • Malapit nang mapanood ang ‘Start-Up PH’ nila ni Bea: ALDEN, natuwa dahil makapagmo-mall show na uli after three years

    MAGSISIMULA na ang promo ng “Start-Up PH” ng GMA Network na first team-up nina Bea Alonzo at Asia’s MultiMedia Star Alden Richards.      Ngayong Saturday, August 6, ang simula ng Kapuso Mall Show nila, na magaganap sa Ayala Center Cebu, in Cebu City, at 5PM.  Makakasama ni Alden ang mga co-actors niyang sina Jeric Gonzales, […]

  • Dalang baril ng lalaki buking nang masita sa yosi sa Caloocan

    BAGSAK sa kalaboso ang isang lalaki matapos mabisto ang dalang baril makaraang masita ng mga pulis dahil sa paninigarilyo sa pampublikong lugar sa Caloocan City.     Sa nakarating na report kay Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, habang nagpapatrulya ang mga tauhan ng Police Sub-Station 13 sa Phase 2, Bagong Silang, Brgy. 176 dakong […]