DepEd, tiniyak na mas maraming pondo para sa limited in-person classes preps
- Published on March 30, 2022
- by @peoplesbalita
TINIYAK ng Department of Education (DepEd) sa mga eskuwelahan na mayroong karagdagang pondo para sa paghahanda ng progresibong pagpapalawak ng limited in-person classes.
Binatikos kasi ng Teachers Dignity Coalition (TDC), sa isang Facebook Livestream, ang gobyerno para sa di umano’y “taking advantage” o pagsasamantala sa kabutihang-loob o pagiging mapagbigay ng mga guro kasunod ng ulat na may ilang guro ang gumagamit ng kanilang resources para sa paghahanda ng limited face-to-face classes
Sinabi ni DepEd Undersecretary Analyn Sevilla na may ilang regional offices ang nagsimula nang mag-download noong Marso 4 ng karagdagang pondo para sa maintenance at iba pang operating expenses (Schools-MOOE) March 4.
“Napakahalaga ng agarang aksyon, lalo sa usaping pinansyal, pagdating sa pagpapatuloy ng edukasyon nitong nakalipas na dalawang taon. Kaya’t prayoridad din namin, at sa direksyon ni Secretary Leonor Magtolis Briones, na maging maagap sa pagpaplano at i-anticipate ang pangangailangan ng ating mga personnel, teachers, at learners,” ayon kay Sevilla.
Aniya pa, may P936 milyong piso mula sa P977 milyong Schools-MOOE na pondo ang na-download na ng DepEd regional offices.
“May natitira pang PHP41.48-million sa Central Office bilang buffer fund. Ang mga Regional Offices ay magbibigay ng pondo sa mga Division Offices base sa dami ng schools na sasali sa Progressive Expansion,” dagdag na pahayag nito.
Samantala, kinikilala naman ng DepEd ang partisipasyon at inisyatiba ng mga guro at iba pang stakeholders sa komunidad.
“Kinikilala din natin sa DepEd ang kahalagahan ng partisipasyon ng ating mga guro kasama ang komunidad, LGU, at mga organisasyon tulad ng PTA sa ‘shared responsibility’ pagdating sa paghahanda ng ating mga paaralan,” ayon kay Sevilla.
Samantala, hinikayat naman ng DepEd ang mga school heads ng mga identified schools na kabilang sa progressive expansion ng face-to-face classes na makipag-ugnayan sa division at regional offices para sa karagdagang pondo. (Daris Jose)
-
EJKs ‘hindi pinapayagan’ sa ilalim ng Duterte administration, walang nasayang sa drug war
TODO-DEPENSA ang Malakanyang sa war on illegal drugs ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Pinanindigan ng Malakanyang na ang extrajudicial killings ay hindi parusa sa ilalim ng kampanya. “Ipinagbabawal natin ang EJK, bawal po ‘yan. Bawal ang any extrajudicial means. At kung sinuman ang kailangang parusahan, sinuman ang naakusahan, kung sinuman ang […]
-
Ravena 3 buwang pahinga
IPINAHAYAG ng San-En Neophoenix kamakalawa na tatlong buwang magpapahinga si Asian import Ferdinand ‘Thirdy’ Ravena III makaraan ang fractured right finger operation sa Chunichi Hospital sa Narita, Japan. Pinapagaling na ngayon ni Japan’s B.League 2020-21 Asian import Ravena III ng San-En Neophoenix ang inoperahang kanang kamay nitong Huwebes. “Happy to announce that my […]
-
Pinuno ng Caritas Manila at Radio Veritas, nagpositibo sa COVID-19
Nanawagan ang Caritas Manila at Radio Veritas ng panalangin para sa mabilis na kagalingan ng pinuno ng dalawang institusyon ng Simbahang Katolika matapos magpositibo sa COVID-19. Nabatid sa isinagawang RT-PCR swab test na positibo si Rev. Fr. Anton CT Pascual at ilang opisyal at kawani ng Caritas Manila sa COVID-19. Kasalukuyang […]